Chapter 35: Fever

192 19 0
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

Nakatitig pa rin ako kay Athena na kumakain na ng lugaw na niluto ko ngayon. Tulala lang sya at habang nakikita ko syang ganito ay nasasaktan ako. Gusto ko syang pasiyahin pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Sana kaya ko rin syang pangitiin gaya ng ginagawa nya pag alam nyang malungkot ako. Sana kaya ko ring paalisin ang lungkot na nararamdaman nya gamit ang yakap ko.

Kanina, kung hindi sana ako nag-inarte at hinintay sya at hinatid ay hindi siguro sya malulungkot ng ganito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya ngayon at mukang wala syang balak sabihin ang dahilan nya.

'Mukang hindi pa nya kayang maging open sakin.'

"Love, gusto mo ng tubig?" tanong ko ng makita ko syang subo lang ng subo ng lugaw at hindi man lang umiinom.

Tumingin sya sakin at nag-pilit ng ngiti. Parang may isang kamay ang pumisil ng mariin sa puso ko ng makita ko ang matamlay nyang mata.
'Nasasaktan ako sa nakikita ko. Pero pag pinag-patuloy ko ang pagiging mahina ko, baka hindi nga talaga nya sabihin sakin nag problema nya.'

"Hmm? Sige, love." sagot nya. Ngumiti ako at tumango nago tumayo.

Nag-tungo ako sa water dispenser nila at nag-lagay ng tubig sa baso. Nang matapos ay nilapag ko yun sa lamesa at agad naman nya iyong ininom.

"Salamat." nakangiting saad nya.

"Walang anuman." nakangiting sagot ko. Ngumiti sya at tumangong muli at umiwas na nang tingin.

Naupo na kong muli sa upuan kung saan nakaharap ako kay Athena. Naka-damit na sya ngayon kaya naman panatag na ko. Kanina ay kung ano-anong bagay ang naiisip ko.

'Mga bagay na hindi tamang gawin.'

Nag-suot lang sya ng malambot na shorts at hoodie. Kanina pa rin sya atsing ng atsing at mukang sisipunin sya dahil kanina, mainit ang panahon, ngayon ay umuulan na.

'Ang laki talaga ng epekto ng climate change.'

Pinanood ko lang syang kumain at ng matapos nya yun ay muli syang uminom ng tubig. Tumingin sya sakin at muling ngumiti. Napalunok ako at parang nag-panik ng dahil sa tingin nya.

"Mag-papahinga na muna ko. Wag mo ng galawin ang mga pinag-kainan ko, ok? Ako na ang mag-huhugas nyan. Mag-pahinga ka na rin." nakangiting sabi nya at tumayo. Dinala nya ang pinag-kainan nya sa lababk at muling tumingin sakin.

"Sa tabi mo ko mag-papahinga." sagot ko na syang nakapag-patigil sakanya sa ginagawa.

"Sigurado ka?" tanong nya. Tumango ako bilang sagot at tumayo.

"Mm. Siguradong-sigurado." sagot ko at tumayo at lumapit sakanya.

Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti ng maliit. Natigilan sya habang namumula at nakatingala sakin. Ngumiti akong muli at bumuntong hininga.

"Tara na? Mag-pahinga na tayo?" nakangiting tanong ko. Napalunok ako at namangha ng makitang biglang kumislap ang mga mata nya. Lalo akong napangiti dahil dun.

"Mm. Sige." sagot nya. Muli akong ngumiti at tumango. Hinalikan ko ng marahan ang noo nya na para bang mawawala nun ang bigat sa loob nya.

Pinauna ko syang pumasok sa kwarto nya at nag-tungo naman ako sa may pinto at ni-lock yun. Mahirap na, baka manakawan pa sila.

Kinapa ko rin isa-isa ang mga papel ni Athena na nasa lapag at tinipon na ang mga tuyo. Buti nalang ay may page ang bawat papel. Hindi na to mahirap pang i-compile.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon