Chapter 4: Introduce Yourself

237 25 1
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

Hinihingal akong tumatakbo ng makitang alas otso na pala ng umaga. Anak ng----maaga akong pumasok sa school para ma-late pero yung putanginang detention lang pala ang magiging dahilan pata ma-late ako! Punyemas!

Inayos ko ang buhok ko ng makarating ako sa 4th floor. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan kung maayospa ba ang itsura ko. Mamaya muka na pala kong tanga tapos papasok pa ko hays.

'Pero, pake ko kung magulo ang buhok ko at pag-pawisan ako ng husto? Eh kahit saang anggulo maganda ako?'

Wala ng aangal! Nginang yan minsan na nga lang mag-yabang eepal pa kayo! Psh.

Nag-lakad ako sa hallway ng 4th floor at wala ng mga estudyanteng mahilig gumawa ng chismis ng iba. Malamnang simula na talaga ang klase.

Napangiwi ako ng makitang nasa pinaka-dulo pa ang room naming mga section Zeus. Yes! Section 1 ako! Akala nyo puro lang pag-mumura lang ang alam ko no? Nag-kakamali kayo mga gago!

Huminga ako ng sunod-sunod ng nasa kalagitnaan na ko ng hallway. Hindi ko na tinignan pa ang mga room na nag-kaklase dahil naalala ko lang ang malakas na bunganga ng adviser namin ngayon. Pisti! Bakit naman kasi si ma'am Coronasion ang adviser namin ngayong year!? Pustahan tayo bente isang malaking bunganga ang sasalubong sakin.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at pinasok sa bulsa ng paldang suot ko ang dalawa kong kamay at pa-cool lang na nag-lalakad. Wag na kaya akong pumasok ano? Kaso baka patayin naman ako ni Aphrodite at Giovanni pag ginawa ko yun.

Sino si Gio? Si Giovanni Chance Carter ang gay bestfriend kong pinag-lihi sa malanding ampalaya. Baket? Malandi sya at the same time bitter. Kayo na umintindi.

Hindi gaanong close si Gio sa dalawa kong kaibigang babae dahil nga maarte ang baklang yun. Nakaka-kwentuhan nya sila Artemis pero hindi nya daw best friend. Ako lang daw ang best friend nya. Sweet nya no? Hahaha!

"MS. ATHENA CRIMSON FRYXELL!" nakagat ko ang ibabang labi ko at napapikit ng mariin ng marinig ang malakas na boses ni ma'am Coronasion.

Lumunok ako ng sunod-sunod at nag-mulat ng mata. Kaya mo yan, Athena! Ngumiti ka lang pag humarap ka. Mabait yan kahit na strikta at mukang papatay pag nagagalit. Kumalma ka lang! Huuuu!!

Dahan-dahan akong humarap sa may pinto habang may peke'ng ngiti sa labi. Agad na bumungad ang nanlalaking mata ni ma'am sakin kaya napalunok ako ng sunod-sunod. Mas ginalingan ko pa ang pag-ngiti pero hindi nag-patinag si ma'am at halos umusok na nag ilong dahil sa galit.

'Luh?! Ba't ka galet?! Umpisa palang ng klase eh! Hmp! Di ko na bati si ma'am!'

Nag-lakad ako papunta sa may pinto at bahagyang sumilip sa loob ng room. Mukang kumpleto na ang mga kaklase ko. Nahagip ng mata ko ang dalawa kong kaibigan na babae sa dulo kaya ngumiti ako ng malaki sakanila at kumaway.

"Hi!" masayang pag-bati ko. Nang-iinis na naman.

"Pfft." pag-pipigil ni Artemis ng tawa habang nakatingin sakin. Lalo namang dumilim ang aura ni Aphrodite habang nakatingin sakin.

Tumingin ako sa bandang unahan nila at nakita ko si Gio na masama rin ang tingin sakin habang naka-palumbaba sa armchair at halatang madilim na rin ang aura.

Nagulat ako ng makita yung lalaking muntik nang banatan ni Ron-ron. Lah? Kaklase ko pala to? Hahahaha! Bait ni tadhana ah! Pinag-tagpo kaming dalawa ng crush ko!

Ngumiti sya ng maliit sakin kaya ngumisi ako sakanya at papasok na sana ng muling sumigaw si Ma'am.

'Ay epalogs.'

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon