Chapter 33: Exam

200 20 1
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

Ilang araw ang lumipas matapos ang awkward na pangyayari sa pagitan namin nila Athena at auntie. At dahil nahuli nya kami sa ganoong posisyon ay pinag-bawalan nya kong pumasok sa unit nila Athena ng isang linggo. Dahil baka raw maulit.

Hindi ko alam kung anong ie-explain ko kay auntie ng makita nya kaming nagki-kiss ni Athena. Di ako magkandaugagang mag-paliwanag kay auntie samantalang si Athena ay patawa-tawa lang s gilid na para bang nakakatawa ang nangyari.

'Samantalang sya tong nang-hihingi ng kiss. Ako pa tuloy ang napagalitan!'

Pero, alam ko namang ako ang may kasalanan. Wala sa wisyo si Athena dahil lasing tapos ako tong siraulonh nag-take advantage porke lasing at boyfriend ako. Hindi naman ata pwede ang bagay na yon. Kahit lasing pa ang babae o kahit girlfriend mo pa yun, hindi mo pa rin pwede yung galawin.

Tinulungan ko nalang din si auntie na buhatin si Aphrodite at dalhin sa kwarto nya dahil hindi nya daw kayang buhatin si Aphro ng mag-isa. Sabi ko ako nalang ang mag-bubuhat pero agad din akong humingi ng tulong kay auntie dahil mabigat pala si Aphro.

'Mas mabigat pa kay Athena amp.'

Nilinis din namin ang unit ng tatlo. Pinapaalis na nga ko ni auntie non dahil may pasok pa ko pero tinulungan ko na rin sya. Pampalubag loob lang hehehe.

Sinilip ko pa ulit ang bawat kwarto ng tatlo para tignan kung ayos lang ba sila. Nakita ko di Aphrodite na nakatihaya na sa kama kaya agad ko yung sinara dahil baka pag nagising yun ay gilitan nya ko ng leeg.

Sa gitna ang kwarto ni Aphro at sa kaliwa naman ang kay Artemis. Nasa kanan ang kay Athena.

Sunod kong tinignan ang kwarto ni Artemis at nagulat pa ko ng makita ko si Chance na nasa kama din ni Artemis at mukang doon na natulog. Apat ata silang nag-lasing at doon na nakatulog si Chance sa kwarto ni Artemis.

At ang huli kong tinignan dun bago ako umalis ay ang kwarto ni Athena. Gaya ni Aphrodite ay kakaiba rin ang sleeping position nya. Pero bat pag mag-katabi kami eh hindi naman sya malikot matulog?

"Love? Uy! Nasa universe pa ata ang utak mo. Anyare? Ayos ka lang? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Athena na nasa tabi ko at kinapa pa ang noo ko para tignan kung may lagnat ako.

Tumingin ako sakanya at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay nya at ibinaba. Pinag-salikop ko ang bawat daliri ng mga kamay namin at muling tumingin sakanya.

"Ayos lang ako, love." sagot ko at muling umiwas ng tingin.

Friday na ngayon at ngayon na kami magte-take ng special exam para makasali kami sa training camp. Lahat kaming mga grade 10 students na mga players ay nasa iisang room para mag-take ng exam.

Pero dahil marami kami ay ilang rooms din ang mayroon mga grade 10 students. Pwedeng maupo kahit saan at sa likod naman napili nila Athena maupo kaya dun nalang din ako.

Si Chance ay exempted para rito. Pero ang ilang managers ay nagte-take din ng exams para makasama. Exempted si Chance dahil alam naman nilang busy ito at maraming inaasikaso para mapaganda ang takbo ng training camp. Sya ang president ng SSG eh.

One seat apart ang pagkaka-arrange ng bawat seats. At dahil wala pa namang teacher at matigas ang ulo ni Athena ay pinag-tabi nya ang upuan namin para makipag-daldalan sakin.

Minsan ay para kaming bestfriends pag nag-uusap. Kamustahan with harutan hehe. Minsan naman ay para kaming mag-kaaway dahil mahilig syang mangaway! Nagugulat nalang ako dahil biglang hindi na nya ko bati. Bukod dun ay para rin kaming magkapatid dahil tinutulungan namin ang isa't-isa pagdating sa academics. Hindi kami yung mag-karelasyon na puro harutan lang ang alam.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon