Chapter 38: Last Day of Camp

130 13 1
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

"Argh! Ang sakit na ng balikat ko! Huhuhu!" reklamo ko ng matapos ang huling set para sa araw na to.

"Ang lakas mo mag-spike eh." sagot ni Artemis at naupo sa tabi ko. Inabutan naman kami ni Chance ng tubig kaya tinanggap namin yun.

"Kaya nga. Pakiramdam ko matatanggal yung braso mo pag nagse-serve ka." sabi din ni cap at naupo rin sa tabi ko.

"Wag kang mag-alala, cap, mas nakakatanggal ng ulo ang hampas mo." pang-aasar ko. Agad nya kong sinamaan ng tingin at inambaan na agad kong iniwasan.

"Gago!" singhal nya at inirapan ako. Tinawanan ko lang yun at mayabang na tumingin sakanya.

"Alam ko, cap. Alam ko." nakangising sabi ko na para bang nag-yayabang pa. Ngumiwi naman sya at inirapan ako.

Bukas na ang huling practice match namin. Bukas na mag-tatapos ang 2 weeks training camp na ni-organize ng CFU para sa iba't-ibang school na kasali.

At dahil gabi na ngayon at natapos na ang practice match ay paguran na naman kaming lahat. Masakit na nga ang katawan ko eh. Sobra! Kailangan ko talaga ng hilot para dito.

Nakangiwi kong inikot ang braso ko habang hawak-hawak ang balikat ko at ginawa rin yun sa kabila. Umayos kami ng upo at tumigil din ako sa ginagawa ng biglang lumapit si coach Zaya at si sir. Nakangiti sila habang may hawak namang papel si Gio. Score ng bawat laro namin.

"Very good, girls. Kayo ang pinaka-nakalalamang na team sa buong training camp." nakangiting sabi ni coach kaya napangiti rin kami.

"Naks! Ang galing natin!"

"Kaya nga! Deserve natin ang spa!"

"Ehem mga seniors! Ehem!"

"Putcha kami na naman mag-babayad?!"

"Hahahaha! Senior namin kayo eh!"

"Sige na, vicious goddesses! Masakit katawan namin oh!"

"Oh baket di nyo tanggalin ng di na sumakit?"

"Wala na! Barado na naman!"

"Captain! Beke nemen!"

"Wag mo kong ma-beke nemen dyan ah! Di ako anak ng presidente para manlibre!"

"Ace! Ano na?"

"Anong ano na?"

"Libre naman dyan! Kahit spa lang!"

"Spa-spa amputcha! Sige pumunta tayo sa spa tapos kanya-kanyang bayad."

"Putang----"

"Ziona!"

Kanya-kanyang sabi namin. Mga gago talaga amputs! Mag-papalibre pa nga! Muka ba kong bilyonarya?!

Pinatahimik kaming muli ni coach Zaya dahil mukang may sasabihin sya. Nakangiti sya saming lahat at bumuntong hininga pa. Napalunok tuloy ako dahil fun.

"After two weeks of playing a practice matches, halatang lahat kayo may ibubuga talaga. Hindi lang ang mga roster ang sinasabi ko pero lahat kayo. Lahat kayo ay halatang may ibubuga sa mga real matches at lalo namang kaya ninyong ipanalo ang matches kahit na kalaban pa ninyo ang mga powerhouses ng probinsya natin." nakangiting sabi ni coach habang nakatingin samin isa-isa. Napalunok ako ng sunod-sunod ng makita kong tumigil saming tatlo ang tingin nya.

"CFU built a very amazing teams. Mapa-volleyball man, basketball, football, baseball at kahit ano pang sports. This school is indeed a home of the players." nakangiti pang sabi ni coach habang kumikinang ang mga mata nya.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon