Chapter 44: Interhigh (4)

188 14 3
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

"GO GO RED EMBERS!!! RED EMBERS! RED EMBERS!"

"THIS IS THE GAME OF GODS! GAME OF GODS! GAME OF GODS!"

"GOOOOOOOOOO RED EMBERS!!!"

"THIS IS THE COURT OF GOD! GAME OF GOD! RED EMBERS WILL CONTROL! WILL CONTROL! WILL CONTROL! THIS IS THEIR GAME! GO RED EMBERS!"

Malakas na pagchi-cheer ng buong CFU sa Red Embers na team nila Athena.

Halata ang pagod at pagkahingal sa mga muka nila. Pawisan at kabado. Hindi alam kung kaya ba nilang ipanalo.

Napalunok ako ng sunod-sunod habang nakatingin kay Athena na sobrang seryoso ng muka ngayon. Hindi sya nagloloko sa game dahil mukang kailangan nga nya talagang seryosohin ang laban.

'Sino ang kalaban nila? Ang team nila Giselle.'

Hindi ko akalaing malupit din ang team nila. Nagkaroon ng third set dahil sa una at pangalawang set ay parehas silang nanalo.

Nakuha ng team nila Athena ang unang set. Kinuha ng team nila Giselle ang second set at mukang balak bawiin ng Red Embers ang set na kinuha mula sakanila.

Kaya naman ganito kalakas ang sigaw ng mga nagchi-cheer dahil gusto nilang ibigay ang full support nila para sa Red Embers. Mukang pati sila, ramdam na ramdam ang tensyon.

"GO GISELLE!" rinig kong sigaw ni Amadeus na boyfriend ni Giselle.

Muli akong tumingin kay Athena na nakapikit habang naghahabol ng hininga. Mukang pagod na pagod na talaga sya.

Third week na ng Interhigh ngayon at malapit na ang championship round. Sa Biyernes na yon. At mukang balak manuod nila mama dahil sabi ko pumunta sila hehe.

Muling pumito ang referree. Indikasyon na tapos na ang timeout at nag-sibalikan naman sila dun. Saktong si Athena ang server kaya lalong naging hyper ang crowd.

"ATHENA! KAYA MO YAN!" malakas na sigaw ko habang kabadong nakatingin sakanya. Agad syang tumingin sakin at parang naibsan ang kaba ko ng makita ko syang ngumiti at kumindat pa.

'Oh god! Yung puso ko!'

Muling pumito ang referree at agad namang hinagis ni Athena pataas ang bola at tumakbo at tumalon ng mataas sabay hampas sa bola.

Agad na muling uminit ang laban. Iba't-ibang taktika ang ginagamit nila upang maka-puntos. Iba't-ibang paraan para makaraos. Pero sa huli.....

'Ang team pa rin nila Athena ang nakakuha ng huling set.'

Malakas na tumunog ang buzzer. Indikasyon na tapos na ang laban. Agad na nag-sigawan ang mga tao at panay papuri sa team nila Athena na malakas rin ang sigaw habang nagyayakapan dahil sa sobrang saya.

Habang ang team naman nila Giselle ay nakaupo na sa sahig at naghahabol ng hininga.

Natahimik ang cheerleaders nila. Maski ang mga manunuod na sumusuporta sakanila. Mukang nakikisimpatya sa pagkatalo nila.

Muling umayos ang dalawang team para sa formal farewell at yun na ang katapusan ng laro. Halata sa muka ni Giselle na pinipigilan nya ang pag iyak. Pero nagkamayan pa rin sila ni Athena at ngumiti sa isa't-isa.

'Their friendship is really something.'

"Next na game mamayang hapon. Magpahinga na muna tayo." saad ni Aphrodite habang lumalabas kami sa court.

"Pagod na ko!" reklamo ni Athena habang nag-uunat ng braso.

"Sino bang hindi?" sabat ni Artemis. Nag-irapan lang sila at hindi na nag-salita pa.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon