GRAYSON LEVI'S POV:
"Hala! Sya ba yung transferee?"
"Hala ka! Ang gwapo!"
"Mukang may bago na namang campus heartthrob ang CFU ah?"
"Oo nga eh! Ay alam mo bang sya din ang bagong player sa basket?"
"Talaga? Grabe! Gwapo na athletic pa!"
"Sinabi mo pa."
Napayuko ako ng marinig ang mga binubulong nila. Hindi ko akalaing magiging usap-usapan ako dito. Hays. Nakakasawa na rin madalas ang mga atensyong nakukuha ko sakanila. Pati ba naman ang simpleng paglalakad ko sa hallway ay magiging usap-usapan?
Pano kung bago matapos ang school year ay may umamin na naman sakin at masampal na naman ako? Makasakit na naman ako ng babae dahil sa pag-mamalasakit ko? Mauulit na naman kaya ang nangyari?
Minsan ay napapaisip ako kung susundin ko ba ang sinasabi ni Francis na wag akong maging mabait at matulungin sa babae eh. Kaso kung hahayaan ko naman sila at titignan lang na naghihirap ay hindi rin naman yun kakayanin ng konsensya ko.
Nga pala, lunes na naman at may pasok na syempre. June na ngayon at ang bilis talaga ng araw. Hindi ko akalaing makakapasok ako sa ganito kagandang eskwelahan. At ang lawak pa!
Hindi naman sa mahirap ako o ano ah pero, may kaya lang kami sa buhay. Private school man ang pinapasukan ko dati ay mas prestihiyoso at mas mahal naman ang tuition dito kesa sa dati kong school.
Nag-bike lang ako papunta dito kahit malapit lang naman ang boarding house na tinutuluyan ko sa school. Yes. Sa boarding house ako tutuloy.
Punuan ang boarding house na yun ay halos karamihan ay mga estudyante rin galing dito. Nakita ko lang dahil marami akong nakasabay kanina.
Nag-angat ako ng tingin ng may maalala. Dapat pala ay pumasok ako ng sobrang aga para naman nalibot ko ang school na to. Sa laki at lawak kasi nito ay parang kulang pa ang isang buong araw para malibot ko to.
"Oh geez! Si Athena ba yun? Bat ang agang pumasok?" natigilan ako ng marinig ang pangalan na yun.
'Athena.'
Hindi mahina ang memorya ko para hindi matandaan ang pangalang yun. Sariwa pa rin ang nangyari sakin dati kasama ang babaeng yun.
May 25. Sunday. 5:00 or 5:30 in the evening. I met this girl named Athena Crimson. She has a tall height with a petite figure and a taned skin color. She has a long black curly hair and a lifeless eyes that will make you froze when she turned her gazed on you. She has a small but sexy and reddish lips. She loves cussing and smirking. Her voice is husky more than mine. Pang-lalaki ang boses nya.
"Oh? Problema nyo kung maaga akong pumasok?" maangas na tanong nya sa mga babaeng nag-bubulungan lang sa gilid.
Ramdam ko sya sa likuran ko. Ayoko syang tignan dahil baka maalala nya ko at utangan. Wala pa naman akong pera ngayon. Akala ko talaga nung una ho-holdapin nya ko. Yun pala eh mayaman naman pala sya.
"W-wala naman, A-athena." nahihiya at kinakabahang sabi nung babae.
"Tss. Sa susunod, kung mag-bubulungan kayo wag nyong ipaparinig sakin, naiintindihan nyo?!" singhal nya sa mga babaeng nasa gilid lang.
Sunod-sunod na tumango ang tatlong babae at ang ilang mga estudyante namang nakatambay ay nag-siiwas ng tingin para wag madamay.
'Nakakatakot talaga sya.'
Pero tama pa ba ang ginagawa nya? Pinapahiya na nya yung babae. Kaso, sila din naman ang may kasalanan nun. Kung ano-ano na agad ang sinabi nila sa babaeng Athena ang pangalan.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...