Chapter 47: Awarding

87 7 1
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

Kinabukasan ay pinapunta lahat ng mga athletes sa grand auditorium ng school para sa awarding na magaganap. 

At ang school na 'to, hindi nga 'to binigyan ng pangalang "Home of the athletes" kung wala lang.

Pinanindigan ng eskwelahang 'to ang pangalang 'yon at kaming mga athletes ang nagpapatunay nun.

Bawat manlalaro ng mga sports na kinabibilangan namin ay nandito. Lahat ng mga athletes ay makakatanggap ngayon ng award dahil bawat teams, ay nag-champion sa interhigh.

Maski ako ay hindi ako makapaniwala na sa bawat sports na naganap ay school namin ang nag-champion. Hindi na 'ko nagduda pa sa volleyball teams dahil magagaling talaga sila pero... 
Ngayon ko lang nalaman na pang international athletes nga talaga ang mga estudyanteng nandito.

Uulan ngayon ng mga scholarship at sponsors para sa college. Yun din ang pinaka-inaabangan ng mga players na gustong i-pursue ang sports nila to the highest level. 

Karamihan sa mga teammates ko ay ganun. Pero dahil hindi ko naman kailangan 'yon ay tatanggihan ko na lang kung sakaling mabigyan din ako.

'Mas deserve yun ng iba.'

"Hi, love!" mabilis akong bumaling sa katabi ko nang marinig ko ang pagbati ni Athena. Kusang napangiti ang labi ko at hinawakan ang kamay n'ya.

"Good morning, love." sagot ko at pinasadahan ng tingin ang kabuoan n'ya.

Dahil awarding 'to ay required kaming isuot ang jersey namin. Suot ni Athena ang jersey n'ya pati na rin ang kanyang jersey jacket. Nakatago sa bulsa ng jersey jacket n'ya ang isa n'yang kamay habang hawak-hawak ko naman ang isa.

Maikli ang shorts nila para makagalaw sila nang maayos. Mukang sanay naman na s'ya at bagay na bagay din sa kanya ang jersey nila. 

Naka-twin braid ang buhok n'ya na laging hairstyle n'ya pag naglalaro s'ya ng volleyball. Madalas tuloy kumulot ang buhok n'ya dahil sa pagkaka-tirintas nito 

'Napakaganda talaga ni Athena!'

Napalunok ako nang mapunta sa labi n'ya ang tingin ko. Naka-umbok ang pisngi n'ya dahil sa lollipop na kinakain na lalo n'yang ikina-cute. Napatakip ako ng bibig upang itago ang pag ngiti.

Nang ilipat n'ya ang lollipop sa kabilang pisngi ay hindi na ko nakapagpigil pa at kinurot na ang pisngi n'ya. Nanlalaki ang mga mata n'yang napatingin sa'kin dahil sa biglang ginawa ko ngunit...

'Napaka-cute n'ya kaseeee!!'

"Hehehe." mahinang pagtawa ko habang kinukurot ang pisngi n'ya. 

"Uy? Anong ginagawa mo?" takang-taka na tanong ni Athena habang kinukurot ko pa rin ang pisngi n'ya.

"Napaka-cute mo." naisagot ko sa kanyang tanong. Agad na namula ang muka n'ya at muling napakurap-kurap.

Nang hindi pa makuntento ay ang magkabilang pisngi na n'ya ang kinurot-kurot ko dahil sa sobrang cute nun. Pinipi ko pa ang pisngi n'ya gamit ang palad ko at muli yung kinurot.

"Five..." 

"Four..."

"Three..."

Tumaas ang kaliwang kilay ko nang marinig kong magbilang si Athena. Nagtataka akong tinignan s'ya ngunit bagot lang ang mga mata n'ya.

"One..." saad pa n'ya. Magtatanong na sana ako kung para saan 'yon nang bigla n'yang hawakan ang kamay kong nasa pisngi n'ya at...

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon