GRAYSON LEVI'S POV:
Lumabas ako ng cr dito sa sports complex ng matapos ako sa pag-ihi. Simula na ang madugong practice para sa interhigh. Dito na mag-sisimula ang lahat.
May sariling court ang basket at ang volleyball team kaya hindi ko sya nakikitang mag-laro ngayon. Gusto ko sana syang panoorin kaso meron din kaming sariling practice.
"Oy! Grayson! Wala ka na naman sa sarili mo." sabi ni Owen. Napalunok ako at awkward na tumingin sakanya.
"H-ha?" gulat kunong tanong ko.
"Iniisip nyan si Athena! Hahaha!" pang-aasar ni Kian.
"H-hindi ah!" sagot ko at umiwas ng tingin. Nag-tawanan sila dahil dun.
"Hindi daw! Sus! Mag-tigil ka, Grayson! Ano? Inlove ka na ba?" pang-aasar din ni Kiko. Lalo akong napalunok dahil sa mga sinasabi nila.
'A-ano bang iniisip nila? Hehe.'
"Inlove? Pfft? Sa panget na yon?" sabat ni Chadler na umiinom na ng tubig nya.
"Pota bulag ka ba pre? Ang ganda kaya ng pinsan mo! Kung hindi lang mas matangkad sakin yun, niligawan ko na yun." sabi ni Neo na syang nakapag-palunok sakin.
"Hahahaha! Kahit pa mas matangkad ka kay captain, hindi ka pa rin sasagutin nun!" pang-aasar ni Chadler.
"Eh di yung kambal mo nalang." sabi ni Neo at kumindat pa.
"Hahahaha! Isa pang maarte yon eh! Atsaka, patay na patay yon sa crush nya. Imposibleng maka-score ka dun." sabi ni Chadler at sinamaan ng tingin si Neo. "At hindi rin ako papayag. Maloko ka masyado eh." sabi nya at umismid pa.
"Wow! Over protective si gago oh!" sabi ni Kiko na tinawanan lang nila. Nakahinga ako ng maluwag dahil nawala na sakin ang topic nila----
"Back to Grayson," nasapo ko ang noo ko ng bigla na naman akong isali ni Owen sa topic.
"Hmm?" tanong ko at napalunok pa.
"May gusto ka kana kay Athena ano?" nang-aasar na tanong ni Owen na syang ikinalunok ko.
"H-ha?" kunyaring tanong ko na para bang hindi ko naintindihan ang sinabi nya.
Napakamot pa ko ng batok ko dahil sa nakakaasar nilang mga ngisi. "Oy! Wag nyong asarin ng asarin yang si Grayson, pag yan nakarating kay Athena, naku!" pag-singit ni captain. Nakahinga ako ng maluwag dahil dun pero...
'Bakit na naman nadamay si Athena?!'
"Hahahaha! Oo nga no? Lagot na naman tayo. Nga pala cap, may practice match ba tayo?" tanong ni Kian.
"Meron daw sabi ni coach." sagot ni cap.
"Kelan? Anong school?" tanong naman ni Owen.
"Sa august 16 pa naman. Antrazia High School." sagot ulit ni cap.
"Hahaha! Mukang magandang laban to ah!" sabi ni Kiko.
"Speaking of laban, napanood nyo ba dati yung laro ng girls at boys volleyball team? Tangina lupet talaga ni Athena ano? Injured na pero nagawa pa ring manalo!" sabi ni Owen at siniko pa si Kiko.
"Kaya nga eh! Kaya pala bumagsak nalang bigla. Akala ko nga kung napano na eh." sabi ni Kian na syang nakapag-palunok sakin.
'Ako din eh. Akala ko kung ano na.'
Pero delikado rin ang sprain. Buti nga hindi gaanong malala ang nangyari sakanya eh. Ilang araw na rin naman ang nakalipas ng bumalik si Athena sa CFU. Naka-recover na talaga ang paa nya kaya pwede na syang mag-practice.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...