Chapter 21: Real Feelings

187 22 3
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

"Opo, ma. Mag-aaral po kong mabuti." sambit ko habang nasa tenga ang telepono.

[Mag-iingat ka dyan, anak ha? Malapit na ang birthday mo kaya't mag-iingat ka lalo. At isa pa, gusto kong dalhin mo ang babaeng kinu-kwento mo kay Francis at kay Greige sa bahay. Ipakilala mo sya samin.] sabi ni mama na syang ikinangiti ko habang hindi na naman mapakali ang puso ko.

'Iisipin ko palang na ipapakilala ko na sya, nae-excite na ko masyado.'

"Opo, ma. Ipapakilala ko po sainyo ni papa." magalang at nakangiting sabi ko habang nag-susuot ng uniporme.

[Mm. Excited na kong makita kung sino yung babaeng sinasabi mo! Akala ko talaga nung una si Nissa na eh. Mabait pa naman ang batang yun. Bakit nga pala hindi sya, anak?] tanong ni mama na syang nakapag-pabuntong hininga sakin at nakapag-pangiwi.

"Ma, hindi ko po gustong maging girlfriend si Nissa una palang. Magkaibigan lang po kami." sabi ko. Nung mga panahon na umamin sakin si Nissa na gusto nya raw ako, kasalukuyang may gusto sakanya si Francis nun. Di ko nga lang alam kung hanggang ngayon ba eh gusto pa rin ni Francis si Nissa.

Mabait si Nissa, oo. Pero hindi ko gaanong gusto ang ugali nya pag hindi sya nakaharap sa maraming tao.

Kagaya nalang ng ginawa nya kay Ria. Nalaman nyang may gusto sakin si Ria kaya ang ginawa nya, pinakalatan nya ng issue na buntis daw ito at isang pariwarang babae. Malaman kong hindi naman pala yun totoo. Pero walang naniwala kay Ria kaya binully sya.

Bukod sa gusto ni mama na lumipat ako sa CFU para sa mas magandang edukasyon, pumayag din ako sa gusto nya dahil ayoko ng makasama pa ang mga naging kaklase at kakilala ko sa eskwelahang yon.

Dito, hindi ako sikat. Dito tahimik ang buhay ko maliban nalang pag may match. Pinag-uusapan lang ako pag kasama ko si Athena at ang mga kaibigan nya.

Bukod din kay Nerisa ay wala ng ibang umamin sakin na gusto nila ko. Siguro dahil ayaw nila ng gulo. Atsaka, matapos ang insidenteng yun sa pagitan namin ni Nerisa, hindi na nya ko nilapitan pa.

[Pero sya talaga ang gusto ko para sayo, anak. Kagaya nalang ng pagkagusto ko kay ate Midgette mo ng ipakilala sya ng kuya mo sa pamilya natin.] sambit ni mama sa kabilang linya. Muli akong napangiwi dahil dun.

"Pero hindi ko po gusto si Nissa sa paraang gusto ninyo para sakin. May iba po kong nagugustuhan." sabi ko at napatitig sa sarili ko sa salamin ng marinig ang sinabi ko sa sarili.

'May iba po kong nagugustuhan.'

Napangiti ako ng maliit ng pumasok sa isip ko si Athena. Oo. Inaamin ko na. Gusto ko sya. Gustong-gusto ko sya.

Hindi ko alam kung pano, bakit, at kelan. Kung pano ko sya nagustuhan? Bakit sya ang nagustuhan ko samantalang ni-reject ko sya? At kung kelan pa ko nag-simulang mahulog sakanya.

Hindi ko inaasahan. Akala ko ay mapaninindigan ko ang sinabi ko noon na hindi ko sya gusto. Pero mukang na-karma ata ako at kinain ko rin ang sinabi ko.

[At sino naman ang babaeng yun? Hindi mo pa binabanggit ang pangalan. Ikaw anak ha! Marunong ka na ring mag-sikreto gaya ng kuya mo!] sabi ni mama na syang ikinatawa ko ng mahina.

"Hindi naman po sa ganun, ma. Gusto ko lang talagang ipakilala sya kapag nasa harapan nyo na." sabi ko at muling inayos ang sarilu.

[Sus! Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang babaeng yan ah? Ayoko ng batugan na manugang ha? Baka gawin nyang alalay ang prinsipe ko.] sabi ni mama na sayng lalo ko pang ikinatawa.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon