ATHENA CRIMSON'S POV:
"Maaaaa!!! Papasok na kooo!!" sigaw ko habang paika-ikang nag-lalakad at naka-bihis na ng uniform.
"Kaya mo na ba talaga?" tanong ni mama habang inaalalayan ako. Ngumiti ako ng malaki may mama at nag-thumbs up.
"Ako pa ba? Kayang-kaya ko to, ma!" sabi ko at kumapit sa braso ni mama. "Kaya ko na ngang mag-laro ulit eh---aray naman eh!" nakangusong sabi ko ng batukan ako ni mama.
Sinamaan ako ng tingin ni mama kaya nag-peace sign ako. "Mag-aaral ka ha?! Hindi ka mag-lalaro at mag-lalakwartsa! Jusmiyo naman eh! Aatikihin ako sa puso dahil sa ginagawa mo!" singhal ni mama sakin. Bumaba kami ng hagdan at niyakap ko sya.
"Di na po mauulit mama ko." sabi ko at inalalayan pa ko ni mama papunta sa dining area.
"Tsk! Hindi na mauulit. Sus! Puro ka nalang ganyan! Konti nalang talaga at sasamain ka na saking babae ka." sabi ni mama na syang tinawanan ko lang.
Pinaupo nya ko sa upuan at pinaghainan pa ng pagkain. Nakangiti kong pinapanood si mama sa ginagawa nya.
Ilang linggo na rin nag nakalipas ng maka-recover ang angkle sa putanginang sprain na yon. Tanginang yon ilang linggo akong hindi pinag-laro!
Tapos si mama naman kinuha yung mga gadgets ko! Nasa kwarto lang tuloy ako at puro panonood lang ng tv ang ginawa. Dinalaw din ako ng buong team sa bahay dati. Pati na rin ang mga ugok kong pinsan na walang ibang ginawa kundi ang pag-tawanan at asar-asarin ako. Tapos si kuya naman gabi-gabi nalang na may baong sermon! Di ko alam kung bakit umuuwi pa sya para lang manermon. Si Iris lang ata ang matino sa lahat ng mga dumalaw eh.
Napatingin sakin si mama kaya agad akong ngumiti ng malaki. Hindi ko alam pero simula ng iwan kami ni papa, lalo akong bumilib kay mama. Na pano nya kaya kami napag-aaral sa magandang university ng sya lang mag-isa? Pano nya kaya kami nagagawang alagaan kahit mag-isa lang sya? Masyadong magaling si mama mag-alaga. Na kahit hindi palaging na samin ang oras nya ay ayos lang. Basta papahalagahan namin abg mga oras na mag-kakasama kaming apat. Mas masaya pag nandyan sila Camesty at Chadler.
Nakaka-miss ang bonding namin. Sama na rin natin ang mga parents ng kambal. Nakaka-miss sila. Sobra.
Pero nami-miss ko rin ang mga ka-teammates ko, ang school, ang mga teachers ko, ang mga kaibigan ko, at lalo na si Grayson.
'Nami-miss ko na sya.'
Sya kaya? Miss nya kaya ko? Hinahanap ba nya ko? Mahal na kaya nya ko? De joke lang. Asa pa, Athena.
"Bakit ka pangiti-ngiti dyan? May naalala ka no?" nag-hihinalang tanong ni mama. Natawa ako dahil dun.
"Meron ma eh." sabi ko at sumubo ng pagkain.
"Sino naman yan? Boyfriend mo? Naku! Bata ka pa!" sabi ni mama na lalo kong ikinatawa.
"Kalma lang ma! Magiging boyfriend palang hahaha!" sabi ko at ininom ang gatas na ni-timpla sakin ni mama.
Natigilan si mama dahil sa sinabi ko. Lalo lang akong ngumisi at sumubo ng pagkain.
"Tama ba ang narinig ko, Athena?" gulat na tanong ni mama. Tumingin ako sakanya at ngumiti.
"Yes ma. Tama ang narinig nyo." sabi ko at ngumiti pa ulit.
"Weh? Di ako naniniwala. Maloko kang babae ka eh! Ipakilala mo sakin ang batang yon ha? Nakuuu, Athena! Babatukan talaga kita pag ikaw hindi pa rin seryoso!" napalunok ako at napanguso dahil sa sinabi ni mama.
'Seryoso na nga ba ko? O kalokohan pa rin ang mga to?'
Bumuntong hininga ako at hindi nakasagot kay mama. Alam ko. Sisinghalan nya ko at papagalitan nya ko pag sinabi kong hindi pa rin ako seryoso. Pero maski ako, hindi ko na alam kung seryoso na ba ko o hindi.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...