Chapter 10: Confession

207 22 16
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

"Tangina naman!" naiinis na sigaw ko habang nakahilata sa sofa at nagso-scroll sa social media.

"Ano na namang problema mo?" takang tanong ni Artemis ay naupo sa may paanan ko. Pinatong ko ang paa ko sa kandungan nya pero tinaboy nya lang yun kaya napanguso ako.

"Wala pa ring balita kay coach eh!" inis na talagang singhal ko.

"Ano daw bang sabi ni manager?" tanong ni Artemis. Bumangon ako sa sofa at naupo. Bumuntong hininga ako at pinakita sakanya ang convo namin ni Gio.

Giovanni Chance is online...

Me: Kamusta na? Nasan na si coach? Anong balita?

Him: Wala pa rin. Tinanong ko na rin pati ang mga faculty teachers ka-close nya pero wala din daw silang balita.

Me: Pano yan? Anong gagawin namin sa practice? Tangina naman!

Him: Kalma ok? Ginagawan ko ng paraan. Pag hindi sya nahanap, sabi ni sir Jason kukuha nalang daw ng bagong coach.

Me: Ano?! Ayoko!

Him: Wala tayong magagawa. Kung ayaw na ni coach. Eh di ayaw!

Me: Bahala kayo! Magku-quit na ko! Peste!

Seen 6:17 p.m

"Ano to? Magku-quit ka dahil kay coach? Siraulo ka ba?" inis na tanong ni Artemis sakin at inabot ang phone ko. Ngumuso ako at umismid.

"Ayoko nga kasi ng ibang coach! Mas sanay na tayo kay coach tapos ganon?" inis kong sagot na syang nakapag-pairap sakanya.

"Gago ka ba? Masyado ka namang choosy eh! Tignan mo nga ang ginagawa ni manager para mahanap si coach! Masyado nang nagpapakapagod yung tao tapos pag di nasunod ang gusto mo magku-quit ka? Gago ka talaga no?" inis na inis nyang singhal sakin at sinamaan din ako ng tingin.

"Anong gago dun?! Atsaka choosy? Choosy?! Hindi madaling mag-tiwala sa tao, Artemis! Si coach lang ang may malasakit sating lahat! Sya lang! Pano kung yung ipalit sakanya eh manyak pala? Eh di nakapatay pa ko ng wala sa oras? Inaalala ko lang ang sitwasyon natin ngayon!" iritadong singhal ko.

"Inaalala? Sarili mo lang ang iniisip mo, Athena! Si Chance ba na nag-papakapagod kakahanap kay coach eh inisip mo man lang? Eh yung kalagayan ni coach? Inisip mo man lang ba? Pano kung may sakit pala yung tao? Ang malaking problema kase sayo yang pagigibg makasarili mo eh! Akala mo lahat makukuha mo!" galit na singhal nya sakin at sinamaan pa ko lalo ng tingin.

Uminit ang dugo ko ng marinig ang sinabi nyang selfish ako. Tangina selfish?! Selfish?! Ano bang pinag-lalaban nya?!

"Ang point ko dito ay kung may sakit nga si coach eh di sana tumawag o nag-sabi sya di ba? Hindi yung mukang tanga si Gio nakakahanap sakanya! At isa pa, sa anong parte ako naging selfish? Kelan ako naging selfish?!" galit na singhal ko rin sakanya at sinamaan din sya ng tingin.

"Ayan! Yang mga kinikilos mo! Masyado kang selfish, Athena! Hindi ka marunong umintindi ng sitwasyon! Satingin mo ba pag iniwan mo yung team para sa pang-sariling dahilan mo eh hindi masisira ang team? Athena ikaw ang ace player namin! Tapos ng dahil lang sa hindi pag-dating ni coach eh aalis ka na? Kung hindi ka-selfish-an yang ginagawa mo, anong tawag dyan?!" galit pang singhal nya na lalong nakapag-painit sa ulo ko.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon