ATHENA CRIMSON'S POV:
Pain. Miserably. Sorrow and bad memories. Yan ang mga nararanasan ko ngayon. Ngayong kaharap ko ang tatay kong niloko ang mama ko at ang kabit nyang nanay pala ng lalaking minamahal ko.
I smiled to show them that I'm happy for their family. I smiled to hide my jealousy, my anger and my sadness. I smiled just to show them that I'm fine.
The way tita Grace tells how she loves my father makes me mad. At the same time, i pity her.
She didn't know about us. That my father has a wife. And that's my mom. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila divorce. Dahil hindi pa rin pumipirma si mama. Ayaw nya. Dahil yun mismo ang ganti nya. Hindi nya hahayaan si papa na sumaya sa piling ng iba. Hindi nya hahayaang may ibang babaeng humarap sa altar kasama si papa. Hindi nya hahayaang may ibang babae ang gumamit ng apleyido ni papa. Hindi nya hahayaang sumaya ng tuluyan si papa.
I'm envious because Grayson and kuya Greige experienced having a father. A father who will guide them. A father that will love them and help them.
Samantalang kami ng mga kapatid ko, wala. Iniwan kami. Pinabayaan kami. Para sumama sa iba at alagaan ang anak na hindi naman sakanya.
Why did he do that? Ano bang kasalanan ang ginawa namin para ayawan nya kami at iwan nya kami? Iris didn't even experienced having a father! Ni hindi man lang nya naranasang kargahin sya ng tatay nya. Ni hindi man lang nya naranasang ihatid-sundo sya ng papa nya.
'He's a good father, yes. But not on his own child.'
I listened to tita Grace story. Kung pano sya tinulungang tumayo ni papa nung mga oras na nakalugmok na sya sa lupa. Kung paano syang inayos ni papa nung mga panahong sirang-sira na sya. At kung paano syang minahal ni papa ng higit pa sa lahat.
Maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko. Puro bakit. Bakit nya kami nagawang ipagpalit? Bakit nya kami nagawang iwan? Bakit nya nagawang lokohin ang mama ko na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin sya ng lubos? Bakit kailangan nyang saktan si mama habang may sinasamahan sya? Bakit kailangan nyang sirain si mama habang inaayos sya? At bakit kailangan nyang ilugmok si mama sa lupa habang may ibang tao syang inaalalayan?
'Bakit nagawa nyang pabayaan ang sarili nyang pamilya para lang sa pagiging makasarili nya?'
At bakit nga ba sya pa ang naging tatay namin? Bakit sya pa ang minahal ni mama? Bakit sya pa ang pinakasalan ni mama? Bakit sya pa? Sa lahat ng tao bakit sya pa?
Bakit kailangan nyang sirain si mama? Bakit kailangan nyang saktan si mama? Bakit? Bakit kailangan nya kaming iwan? Bakit ang selfish nya?
Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ang pamilya pa ni Grayson ang dapat madamay dito? Bakit ang mama pa ni Grayson ang nabiktima sa katarantaduhan ng tatay ko? Bakit? Ano bang kasalanan ang ginawa ko para magkaganito ang buhay ko?
I love Grayson. At nung malaman kong hindi ang lalaking yun ang tatay ni Grayson ay nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay mag-kapatid kami. Ayoko. Hindi ko kakayanin. Mahal ko si Grayson hindi bilang kapatid. Mahal ko si Grayson dahil sya yung sakristan na nakilala ko. At ayokong maging magkapatid kami.
Napalunok ako ng muli kong maalala ang sinapit ni mama. Ang mga panahon na umiiyak sya ng mag-isa. Yung mga panahon na nag-mamakaawa syang bumalik si papa. Nung mga panahon na pinilit nyang mag-pakatatag para samin. Buntis si mama nung mga panahon na yon. Isang matinding dagok ang pilit na nilagpasan ni mama para samin.
'At ni hindi man lang nag-karoon ng silbi ang magaling naming ama na ibang babae na pala ang pinapatahan.'
Ang sama ng ugali nya. Ang sama-sama ng ugali nya. Hindi ko maiwasang kamuhian sya. Mas lalo lang tumindi ang galit ko sakanya. My mom doesn't even deserve to suffer that kind of pain. Ang kapal ng muka ng hayop na yon para saktan ang mama ko ng ganon-ganon lang.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...