ATHENA CRIMSON'S POV:
Natapos ang aming meryenda at syempre ni-interview pa muna nila si Grayson. Marami silang tanong na syang sinasagot naman ni Grayson ng maayos at puno ng pag-galang. Parang yung Grayson na nakilala ko lang noon? Ganun ang nakikita ko ngayon.
'Inosente, magalang, palangiti, matulungin, mabait at kung ano-ano pa.'
Nakatitig lang ako sakanya habang pinapanood syang makipag-usap sa pamilya ko. Nakakatuwa. Ang ganda ng ngiti ni Grayson. Kanina lang ay kinakabahan sya eh. At nanginginig pa!
Nagawi ang tingin ko sa mama ko na mukang interesado na rin sa pagkatao ni Grayson. Magiging interesado talaga yang si mama! Yung anak ba naman nyang walang balak ma-inlove eh nagka-boyfriend? Astig di ba?
Lalo akong napangiti ng maalala ang tula na sinulat sakin ni Grayson na binigay nya sakin kanina. Nakalimutan ko kasi talaga ang monthsary namin eh. Hindi ko namalayang 26 na pala.
'Hindi kasi month and gusto kong bilangin. Ang gusto ko ay taon. Gusto kong mag-bilang ng taon kasama sya.'
"Ang mga magulang mo? Kilala na ba nila ang anak ko?" natigilan ako at napalunok ng marinig ang itinanong ni mama. Dahan-dahang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba at takot.
'P-pano kung itanong ni mama kung ano ang pangalan ng magulang ni Grayson?!'
Ahhh!! Fuck!
"Opo, tita Courtney. Kilala na po nila mama si Athena. Actually po, gustong-gusto nila ang anak nyo." nakangiting sabi ni Grayson na lalo kong ikinalunok. Muling nagawi ang tingin ko kay mama at parang pinisil ng mariin ang puso ko ng makita ko kung gaano kaganda ang ngiti nya.
'M-ma...'
"Anong nagustuhan nila sa anak ko?" nakangiting tanong ni mama. Nawala na ang pagiging seryoso nito kanina at bumabait na rin kay Gryason.
Napalunok ako at iniwas ang tingin ko sakanya. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay mama ang nalalaman ko. Alam kong masasaktan na naman sya.
Pano ko sasabihin kay mama na ang step-father ni Grayson ay ang asawa nya at kabit ni papa ang mama ni Grayson?
'Pano ko sasabihin ang mga yon?'
"Gusto po nila ang pagiging makulit ni Athena. Madali rin po syang makisama sa mga tao at magalang din daw po. Naka-close na nga po nya agad ang pamilya ko." sagot pang muli ni Grayson. Lalo akong napalunok ng magawi muli ang tingin ko kay mama. Natatakot ako. Natatakot akong malaman nya ang totoo.
'Dahil maski ako, hindi ko alam kung anong kahihinatnan nito.'
Pano kung magalit si mama? Pano kung pag-hiwalayin nga talaga kami ni Grayson? Pano kung tumutol na sya sa relasyon namin? P-pano kung gantihan ni mama ang kabit ni papa sa pamamagitan ni Grayson?
'H-hindi. Si mama yan. Alam kong hindi nya gagawin yun.'
"Kung ganun, anong pangalan ng magulang mo?" para akong binomba ng itanong na nga ni mama ang bagay na yon. Napalunok ako ng sunod-sunod. Hindi ko alam kung pano ko patitigilin si mama sa kakatanong. At lalong hindi ko alam kung paano ko mapipigilan si Grayson sa pag-sagot!
Alam kong hindi ko maitatago to ng pangmatagalan pero ayokong makitang nasasaktan ulit si mama.
At ayoko ring nakikitang nasasaktan si Grayson. A-ayokong masira ang masayang pamilya nya. Kaya naman namin ng wala sya eh.
'Pero please lang. Manatili nalang sya kung nasan sya. Dahil ayokong makita na nasasaktan si Grayson dahil pilit syang bumabalik samin.'
Ayoko. Hindi ko na kaya pang makita ang mga mahal ko na nasasaktan dahil sa kanya. Hinding-hindi ko sya patatawarin sa oras na gawin nya ang bagay na yon.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomansGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...