Chapter 30: His Parents

212 18 9
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

"Sure ka ba talaga, love? Gusto mo talaga kong ipakilala sa parents mo?" kinakabahang tanong ko habang nakatingin kay Grayson na nasa sala habang nakatingin sakin. Napatingin din samin sila Aphrodite ng marinig yun.

"Ipapakilala? Ayos yan, Grayson." agad na pag-sang ayon ni Aphrodite.

"Oo nga. Para pag niloko mo si Athena, pati parents mo hahabulin ka ng itak." nakangising pambungad ni Artemis at naupo sa sofa habang may dala-dalang kape.

Agad na napanguso si Grayson dahil dun. "Wala naman akong balak manloko. At isa pa, ang bobo ko naman kung ipagpapalit ko pa si Athena hehe." nakangiting saad ni Grayson habang nag-kakamot ng ulo. Napalunok ako't hindi naiwasan ang pag-ngiti dahil sa sinabi nya.

'Ehhhh!!! Naman eh!'

Nang mag-tama ang tingin namin ni Grayson ay agad akong ngumiti sakanya. Agad naman syang namula at ngumiti din pabalik habang nag-kakamot ng ulo.

Sunday na ngayon at hindi sya nakauwi sakanila kahapon dahil nga nag-advance reading kami buong mag-damag. At dahil sakristan sya tuwing linggo ng hapon ay napag-pasyahan nalang namin na mag-date ngayong umaga at mag-sisimba naman kami mamayang hapon habang sya ay magse-serve.

"Yiiieeee!! Ikaw ah! Patay na patay ka sakin!" pag-bibiro ko at sinundot-sundot pa kunyari ang pisngi nya gamit ang hintuturo ko.

Lalo syang nahiya at sinamaan ako ng tingin na syang tinawanan ko lang. "Ewan ko sayo, Athena. Mag-bihis ka na para maaga tayong makapunta sa mall." nakangiting sambit nya habang namumula pa rin. Hinawakan nya ang hintuturo ko at hinalikan ang kamay ko. Uminit ng husto ang muka ko kasabay ng pag-bilis ng tibok ng puso ko.

'Ahhhh!!! Grayson! Bat ka ganyan?!'

"Oo na! Excited na excited kang masolo ako eh no?" muling hirit ko na syang naging dahilan para samaan nya ko ng tingin. Tinawanan ko lang sya at napailing.

Yumuko ako at hinalikan ng mabilis ang labi nya sa harap ng mga kaibigan ko. Nang ilayo ang muka ay namula ng husto si Grayson at para bang naestatwa pa dahil sa halik ko.

'Mwehehehehe!'

Hindi ko pinansin ang pag-bato ni Artemis at Aphrodite ng unan sakin dahil sa ginawa ko. Pinang-gigilan ko lang ang pisngi ni Grayson at muli syang hinalikan na lalong nakapag-papula sa muka nya.

"Mag-bibihis lang ako." nakangiting sabi ko at tumingin sa mga kaibigan kong parehas ng nakangiwi ngayon habang masama ang tingin sakin.

Nag-belat lang ako sakanila at agaf na tumakbo sa kwarto ko ng marinig ang mala-dinosaur na sigaw ni Aphrodite.

'Hehehehehe.'

Napanguso ako habang nakatingin sa mga damit kong nasa cabinet. Iniisip kung magde-dress ba ko o hindi.

Grayson is wearing a roundneck shirt and a light blue jeans. Nagawi ang tingin ko sa pantalon kong may jumper at kinuha yun. Kinuha ko rin ang white na croptop ko at napangiti.

'This is perfect.'

Agad akong nag-bihis dahil kanina pa naman ako nakaligo. Nag-suot lang talaga ko ng pambahay na damit dahil akala ko wala kaming lakad ni Grayson ngayon.

Nang matapos ay nag-ayos na rin ako at lumabas habang nakasuot ng foot sock. Kinuha ko ang sapatos ko sa gilid at sinuot yun. Napansin ko ang pag-titig sakin ni Grayson na syang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

'Parang lalabas na ata sa dibdib ko yung puso ko amp.'

Ay, wala nga pala kong dibdib. Kingina.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon