ATHENA CRIMSON'S POV:
"Here are your test papers, students. Lahat ng test papers ay may check na. At kung walang permit na nakaipit sa test papers nyo ay isa lang ang ibig sabihin non." nakagat ko ang ibabang labi ko habang hinihintay na ipamigay ni sir ang mga papel namin. Syempre kahit na alam kong todo review ako nung nakaraan eh kinakabahan pa rin ako! "Hindi kayo makakapunta sa training camp." seryosong saad ni sir na syang ikinanguso ko.
Napaayos kaming lahat ng upo at nag-simula ng mag-bigay si sir ng mga test papers namin. Syempre may check na to.
"Rona Angeles."
"Sir!"
"Lina Ashley."
"Sir!"
"Hanna Barbares."
"Sir!"
"Kiana Bermudez."
"Sir!"
"Anna Marie Castanedo."
"Sir!"
"Joana Cesceres."
"Sir!"
"Aphrodite Craig."
"Sir!"
Sunod-suno na tinawag ni sir ang mga pangalan namin hanggang sa ako na ang tinawag nya. Kinuha ko nag papel ko at tinignan kung may permit.
Para akong nabunutan ng tinik at napangiti ng makita ko ang permit na may pirma ng dean, head teachers at ng adviser namin. May signature din ni Gio dahil nga SSG president sya.
"Ano? May permit ka?" tanong ni Aphro. Tumingin ako sakanya at masayang pinakita ang papel ko.
"Meron~~" pa-singsong na sabi ko at lalo pang ngumiti. Ngumiti rin sya ng maliit at tumango.
"Good, meron din ako." sabi nya at pinakita nya ang kanya.
Napangiti rin ako ng makitang meron nga sya. Mas mataas ang scores nya kesa sakin. May dalawa syang points na lamang.
"Tinanong ko?" pang-aasar ko. Agad na napangiwi ang ngiti nya at hinampas ako ng notebook nya.
"Aray ah! Joke lang eh!" nakangusong sabi ko at hinimas ang braso kong hinampas nya.
Pero imbes na mag-sorry ay inirapan nya lang ako! Waaaaaa!!! Ang sama nyaaaa!! Huhuhuhu!
Muli ko na sana syang kokonsensyahin ng biglang dumating si Artemis na hawak ang papel nya. Agad akong ngumiti sakanya at walang habas na kinuha ang papel nya.
Sinamaan nya ko ng tingin na syang nginitian ko lang ng malaki. Lumapit din si Aphrodite at nakitingin.
"Wow! Mas mataas ng tatlong points ang score mo!" namamanghang sabi ko.
"Well," nakangising sabi nya na syang nginiwian ko lang. Abnoy.
Naupo na rin sya agad at kinuha ng muli ang papel nya. May permit din sya syempre. Sya yan eh.
Natapos ang mga girls at mukang lahat sila ay nakakuha rin ng permit. Boys naman ang sunod at dahil letter A ang apelyido ng bebe ko, sya ang unang tinawag.
Nakangiti ako sakanya habang tumatayo sya ng tawagin sya. Tumingin muna sya sakin kaya muli akong ngumiti ng malaki. Ngumiti rin naman sya at nag-tungo na sa harapan para kunin ang kanya.
Nang makabalik ay agad kong tinanong kung may permit sya. Lalo akong napangiti at nag-thumbs up pa dahil ang galing galing nya talaga.
'Ang talino ng boyfriend ko!'
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...