Chapter 42: Interhigh (2)

216 24 2
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

'Sana hindi mo ko tuluyang makalimutan dahil nandyan na sya.'

Nahampas ko ang sarili kong muka ng muli kong maalala ang sinabi ni Athena. Matapos nyang sabihin yun ay hindi na nya ko kinausap buong mag-damag. Hanggang sa matapos ang interhigh sa araw na to.

Hindi ko akalaing mag-seselos sya kay Nissa. I mean----sya yung tipo ng nobya na hindi madaling mag-selos. Yung mga kaibigan nya nga eh halos close na sakin tapos di naman sya nag-seselos.

Pero bakit sya nag-seselos? Dahil ba tinitigan ko si Nissa habang nag-lalaro sya? Dahil ba pinanood ko sya at pangiti-ngiti pa? Natutuwa lang naman ako dahil ngayon ko lang sya nakitang nag-volleyball. Puro sya sayaw noon at namamangha ako dahil magaling din pala sya sa larangang yun.

'Pero hindi naman mawawala ang nararamdaman ko kay Athena ng dahil lang namamangha ako kay Nissa.'

Pero, oo. Aaminin kong bigla kong naalala yung pag-halik ni Nissa sa labi ko noong tumingin sya sakin at ngumiti. Oo naalala ko yun pero agad ding nawala dahil kay Athena.

'Hinding-hindi ko pa rin makakalimutan si Athena. Hindi.'

Bumuntong hininga ako at inis na bumangin mula sa pagkakahiga. Kasalanan ko to eh. Kasalanan ko lahat to. Kasalanan ko kung bakit nasama ang loob sakin ni Athena. Kasalanan ko kung bakit sya nagagalit.

At ayokong lumala yun dahil alam kong gagawin nya ang binanta nya noon. Na hihiwalayan nya ko sa oras na mag-selos sya.

At yun ang hindi ko hinihiling na mangyari.

Kahit anong mangyari ay akin lang sya. Di ko sya ibibigay sa kahit kanino. Hindi ko sya hahayaang makipag-hiwalay. Ayoko. Hindi pwede.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan kung anong oras na. Alas siete na ng gabi. Baka naman gising pa yun ano?

"Tangina ano ba kasing ginagawa mo dito at ako ang binubulabog mo?! Nasa kabilang unit si Aphrodite ah?!" napatingin ako sa may pinto ng bigla kong marinig ang malakas na sigaw ni Remson na mukang may kaaway.

"Ikaw nga ang dinadalaw ko! Bat ba galit na galit ka sakin? Mabait ka lang pag nandyan si Rosie." rinig kong sagot ni Ares na mukang kaaway ata ni Remson ngayon.

'Di ba magkapatid sila? Bakit ang hilig nilang mag-away?'

"Alangan namang sapakin kita sa harapan nya eh di nag-tampo sakin yun? Layas! Ayokong makita ang muka mo!" singhal pa ulit ni Remson kay Ares. Bumuntong hininga nalang ako at pinabayaan silang mag-away dahil may away din akong kailangan ayusin.

'Dahil baka pag lumala pa ang away namin ay iwanan na nya talaga ko! Huhuhu!'

Ni-dial ko ang number ni Athena at tumayo para maiwasan ang kaba. Pero sa bawat ring ng phone ay lalo lang lumalala ang kaba ko. Lumabas ako sa balcony at tinignan ang unit nila Athena. May isang mahabang balcony ang labas ng kwarto nila. At napansin kong bukas ang kwarto nila Aphrodite at Artemis. Ang kay Athena lang ang hindi.

'Oh my god! Tulog na ba sya?! Hinayaan ko syang matulog ng may sama ng loob! Ang sama-sama ko! Wala kong kwentang boyfriend!'

"Please, love. Sagutin mo yung tawag." kinakabahang sabi ko at nakagat pa ang ibabang labi habang nakasilip pa rin sa balcony nila. Bigla nalang namatay ang tawag na syang ikinanlumo ko.

'Love.... I'm sorry...'

Muli kong tinawagan ang number nya pero cannot be reach na yun. Pinatayan nya ko ng phone! Huhuhuhu! Galit talaga sya!

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon