Chapter 12: Girls vs Boys

162 18 3
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

Napalunok ako habang sapo-sapo ang dibdib ng makapasok ako sa banyo ng mga babae. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Grayson kanina. Halos mag-wala ang puso ko ng bigla syang sumulpot sa harapan ko at itinago ako sa likuran nya at hinarap si Paulito.

Napahawak ako sa mag-kabilang pisngi ko at napatitig sa salamin ng makitang sobrang pula ng muka ko. Akala ko ay hindi na ko makakapag-salita dahil sa ginawa ni Grayson kanina. Masyado akong nahibang sa mabangong amoy nya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at umiling-iling. Pakiramdam ko ay may nag-tatambol sa loob ng dibdib ko at may nag-lalaro sa loob ng tyan ko.

Yumuko ako sa sink at hinilamusan ang sarili. Nakakakaba si Grayson. Nagulat ako dahil sa ginawa nya. Hindi ako mapakali dahil sa ginawa nya. At higit sa lahat, hindi ko makalimutan ang ginawa nya.

Pumikit ako at hinilamusan pa ang muka ko gamit ang tubig. Nang matapos ay kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang muka ko.

Bakit ganun? Pag ako ang nagfi-first move ay pangisi-ngisi pa ko at hindi maalis-alis sa isip ko ang muka nya habang nahihiya. Pero ngayong sya na ang nag-first move, bakit parang ako ang nababaliw ng ganito?

Napalunok ako at kumawala ang impit na tili sa bibig ko ng muli kong maalala ang nangyari kanina. Dagdag pa ang ginawa kobg pagkagat sa pandesal na kinakain nya.

'Argh! Baliw ka na, Athena! Sabi mo iiwas ka na? Sabi mo hahayaan mo na? Pero bakit parang mas lumala pa ata ang ginagawa ko? Bakit parang ayokong lumayo? Ayokong tumigil. Pakiramdam ko ay pag tumigil ako, wala na. Tapos na.'

Lalong lumala ang pagkagat ko sa labi ko ng mag-paulit-ulit sa isip ko ang scene kanina. Argh! Bakit nakakakilig pag sya ang gumawa non?

'Tangina, Athena kumalma ka!'

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng ngiwi ng maramdaman ko ang pag-lala ng paa ko. Masakit. Sobrang sakit. Napakakirot. Pakiramdam ko ay hindi ako makakapag-laro ng maayos mamaya.

'At sino-sino ang mga ilalagay ko sa starting lineup? Sino sino ang mga roster?'

Napakapit ako sa sink at lalong napangiwi ng sumakit yun ng sobra. Kanina pa masakit to. Tinakbo ko kasi ang room namin para makabalik at tuparin ang sinabi ko kay Grayson na babalik ako at sabay kaming bababa.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Kaya mo yan, Athena. Ngayon lang to.

Kung itatanong ninyo kung bakit biglaan ang pag-hahamon ko ng match sa boys' volleyball team ay dahil ayoko ng magkaroon pa ng koneksyon kay Ron-ron. Ayoko ng lumapit sya ulit sakin. Ayoko ng makasama sya ulit.

Hindi dahil may ginawa syang masama sakin kundi gusto kong tapusin na ang ugnayan na meron kami. Umamin sya sakin. Gusto nya ko. Matagal na. Pero ayoko. Hindi ko sya gusto at lalong ayokong umasa sya sakin. Alam kong ang sama ng ugali ko sa parteng iiwasan ko sya. Pero dahil yun sa kagustuhan kong hindi na sya masaktan pa.

Hindi man halata ay kaibigan na rin ang turing ko sakanya. Kaya natatakot akong masaktan ko pa lalo sya. Natatakot akong madurog sya dahil sakin. Ayoko. Natatakot akong ganun ang mangyari sakanya.

Huminga ako ng malalim at napayuko. Napalunok ako ng mangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi na to tungkol sa pag-kirot ng paa ko. Kundi dahil na to sa sinabi ni Ron-ron. Hindi ko alam kung pano nya nasabing gusto nya ko samantalang ang ginawa namin noon palagi ay ang mag-bangayan at mag-batuhan ng bola.

Pakiramdam ko ginagaya ko ang gawain ni papa dati. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao dahil sa ginagawa ko ngayon.

Pero masisisi nyo ba ko? Simula ng iwan kami ni papa para sa ibang babae nya ay malaki na ang naging galit ko sa mga lalaki. Na nakikita ko nalang sila bilang mga laruan. Na mga wala silang dulot kundi ang sakit at pighati sa mga babae.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon