GRAYSON LEVI'S POV:
"Oy! Pasa!" sigaw ni captain at agad namang pinasa sakanya ni Kian ang bola. Tumakbo ako para agawin ang bola na na kay captain at nang mag-tagumpay ay tumakbo kami ng mga kakampi ko patungo sa side nila at agad akong binantayan.
Agad kong pinasa kay Owen ang bola at nag-tungo naman ang iba sakanya habang si captain naman ay nakaharang pa rin sakin na para bang na saakin ang bola. Tumingin ako sakanya pero ngumisi lang sya sakin.
"Chadler!" sigaw ni Owen at pinasa kay Chadler ang bola. Bigla namang nag-puntahan sakanya ang mga kalaban namin at maski si captain ay pinakawalan ako. Alam nilang malupit din si Chadler eh.
"Ashford!" sigaw ni Chadler at mabilis na pinasa sakin ang bola. Agad ko yong sinambot at tumalon at hinagis ang bola na agad namang nahulog sa ring.
'3 points shot.'
Agad na nag-hiyawan ang mga kakampi ko at nakipag-apir pa sakin. Napangiti ako dahil dun at nakipag-apir sakanila.
"Iba talaga ang isang Ashford!"
"Malupet!"
"Naagaw na nga ang bola,"
"Magaling pang mag-bantay,"
"Malupit ding humanap ng pwedeng pasahan!"
"Matalino!"
"At higit sa lahat, shooter!"
"Kayang bawiin ang kanya! Ibang klase ka! Ganyan ba talaga pag si Athena ang inspirasyon? Hahahaha!"
Tawanan ng mga ka-teammates ko na syang ikinatawa ko ng mahina. Bahagyang nahihiya dahil sakanila.
"Mas magagaling naman kayo sakin." sabi ko at napakamot ng ulo habang nakangiti ng maliit.
Tinawag kaming lahat ni captain at nag-sipuntahan naman kami sa gawi nya ng makitang kausap na nya si coach.
Hawak ni coach ang sinusulatan nya ay tumingin sya saming lahat. Tumango-tango sya at bumuntong hininga.
"Nakapag-desisyon na ko kung sino ang kasali sa first five." sabi ni coach. Napalunok ako at agad na kinabahan. Pano kung hindi ako makapag-laro at puro bangko lang? Gusto kong makita din ni Athena kung pano ako mag-laro!
'Pero teka, bakit si Athena agad ang iniisip ko? Tsk!'
"Nathan, Chadler, Kian, Owen at Grayson. Kayong lima ang first five." sabi ni coach na syang ikinahingq ko ng maluwag. Nag-kanya-kanya namang reklamo ang mga hindi napili na syang ikinasimangot lang ni coach.
"Galingan nyo hindi yung puro kayo babae! Tignan nyo tong si Nathan at Grayson, isa lang ang babae kaya naman laging ganado at may inspirasyon! Bahala na nga kayo dyan!" sigaw ni coach na syang ikinailing-iling ko. Hindi ko naman babae si Athena eh.
'Hindi gusto ang tunog ng bagay na yon.'
"Eh ba't si Chadler, coach? Sabay-sabay?!" reklamo ni Kiko na syang ikinatawa lang ni Chadler. Mayabang pa nga itong ngumisi.
"Pag madaming babae, mas ganado!" sagot ni Chadler at tumawa pa. Napailing-iling ako at nakitawa nalang kahit na hindi ko gusto pag pinag-uusapan nila kung gano karami ang babae nila. Hays. Ano ba ang tingin nila sa mga babae? Pagkain? Na kapag marami mas nakakatakam at mas masarap?
'Pero pag madami, hindi rin maganda. Baka pag-sisihan nila ang mga ginagawa nila ngayon pag nakaharap na nila ang babaeng gusto nila na mahirap mapasakanila.'
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...