Chapter 9: Baka Lang

191 20 6
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

Nakasandal ako sa pader ngayon habang nasa harapan ko si Athena. Natapos na ang klase sa hapon at agad nya kong hinila papunta dito sa likod ng school para daw kausapin.

Umiwaw ako ng tingin ng mapatingin sya sakin. Nakakahiya ang ginawa ko kanina! Napalakas pa naman ang pag-kakahila ko kay Athena kaya sya sumubsob sakin.

Parang umakyat kasi ang dugo sa ulo ko ng makitang nilalapit nung Ronald na yun ang muka kay Athena. Napakakonti nalang talaga ng pagitan nila. Si Athena naman hindi gumagalaw na para bang naestatwa lang.

Bumuntong hininga akong muli para alisin ang nasa isip. Hindi tama ang ginawa ko kanina. Hindi tama ang ginawa kong paghila sakanya. A-ano naman kung m-maghalikan sila? Wala naman akong magagawa nun di ba?

Atsaka, hindi naman nya kailangang mag-paliwanag. Crush lang naman nya ko di ba? Hindi naman nya ko boyfriend para makipag-ayos pa sya sakin.

"Grayson." pag-tawag nya sakin. Napalunok ako at hindi sya tinignan. Ayaw gumalaw ng ulo ko para humarap sakanya eh.

"Hmm?" tanong ko habang hindi nakatingin sakanya.

"Wala lang yung nakita mo." sabi nya. Tumango ako bilang sagot.

"Ok." sabi ko nalang at napalunok pa.

"Ok?" takang tanong nya. Hindi makapaniwala dahil sa sinabi ko.

"Ok." pag-uulit ko pa.

Huminga sya ng malalim. Hindi makapaniwala dahil sa sinagot ko. Ano bang dapat kong sabihin sakanya di ba?

"Gray, wala lang yun. Hindi kami mag-hahalikan kanina. Inilapit ko lang ang muka ko para lalo syang asarin pero hinawakan nya ang pisngi ko at pinisil-pisil yun. Hindi ko naman alam na ilalapit nya ng sobra ang muka nya. N-naestatwa ako at hindi makapag-salita dahil sa ginawa nya. Pero wala akong balak mag-pahalik sakanya. Pramis! Mamatay ka man----i mean----mamatay man ako ngayon." sabi nya pa. Bumuntong hininga ako at napalunok. Tumango nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin.

"Mm. Ayos lang." naisagot ko nalang at sumulyap sakanya at ngumiti ng maliit at umiwas din ng tingin.

Bumuntong hininga sya at nairita na sakin. Gusto ko nalang umuwi at gumawa ng assignment. Yun lang. Ayoko munang isipin ang nangyari kanina.

'Arte mo, Grayson.'

"Ayos lang?" tanong nya. Kinabahan ako ng mag-seryoso sya. "Ayos lang na makita mo kaming ganon ang posisyon? Ayos lang sayo yon?" tanong pa nya. Napalunok ako dahil sa tanong nya. Syempre hindi! Hindi naman ata tamang ilapit mo ang muka mo sa taong di mo naman boyfriend di ba?

"Ikaw naman ang may hawak ng buhay mo. Hindi mo naman kailangang hingin ang opinyon ko sa bawat gagawin mo." sabi ko at tumingin sa paa kong hindi mapakali.

"Ahh. Sabagay." natigilan ako at napalunok ng mag-tunog sarkastiko sya.

"Hindi mo naman ako gusto para mag-selos ka di ba? Hindi naman kita boyfriend para magalit ka at magkaron ng pake sakin. Pasensya na ha? Dinala-dala pa kita dito. Akala ko kase kailangan kong mag-paliwanag sayo. Muntik ko ng makalimutang wala ka nga palang pakialam." seryoso pero sarkastikong sabi nya. Kunot noo akong tumingin sakanya. Napakuyom ng kamao pero nakatingin lang sya sakin ng seryoso.

"Pasensya na at inistorbo pa kita. Hayaan mo. Hindi na mauulit." sabi nya pa na syang nakapag-palunok sakin.

Iniwas nya ang tingin sakin at gusto ko mang mag-salita para pigilan sya sa pag-alis pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sakin.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon