Chapter 22: Mendez Siblings

166 20 0
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

"Aray ko, kingina!" inis na siga ko ng makapa ang sugat sa gilid ng labi.

"Tangina talaga ng mga hayop na yon. Pag yun nakita ko babangasan ko ulit yun." inis ring singhal ni Aphrodite.

"Kalma nga muna! Halos lumpuhin nyo na nga tapos babalikan nyo pa?" sabi ni Artemis habang nag-aayos.

Inis kong tinignan ang sarili sa salamin at umirap. Anong nangyari at bakit para kaming mga timawang nag-mumura at nagagalit? Dahil sa nangyaring bakbakan kagabi.

Oo! Bakbakan! Ngayon nalang kami ulit nakipag-basagan ng bungo matapos ang insidente noon. Kaming tatlo laban sa dose o labing lima atang mga hoodlum na nakaharang sa may nasa parking lot ng pav!

Ano ang dahilan at nangyari ang bagay na yon? Sige bigyan ko kayo ng malupitang flashback.

**FLASHBACK**

"Ano ba kaseng pwedeng ipang-regalo?" nakangusong tanong ko hababg umiinom ng milktea at nag-lilibot sa pav.

"Ano bang gusto nya?" tanong ni Artemis.

"Di ko alam eh! Alam ko namang ayaw nya ng mga mamahaling gamit dahil simpleng tao lang si Grayson." sabi ko habang iniikot ang mata para tumingin-tingin.

"Sapatos?" tanong ni Aphrodite.

"Bago pa ang sapatos nya. At alam kong pwede rin akong may makapareho ng regalo sakanya. Gusto ko yung unique! Yung ako lang yung mag-bibigay." sabi ko at muling bumuntong hininga.

After the afternoon practice, dumeretso kaming tatlo dito sa mall para mag-hanap ng pwedeng iregalo kay Grayson.

4 days before his birthday tapos wala pa kong nape-prepare? Atsaka wala pa rin akong pang-regalo!

Gusto ko syang i-surprise sa birthday nya. Gusto kong maramdaman nya kung gano sya ka-espesyal sakin.

'Pero pano kong magagawa ang bagay na yon kung wala pa kong maisip na ipangre-regalo sakanya?!'

Bumuntong hininga ako at lalong napanguso. Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong mag-effort para sakanya. Basta para sakin ayokong palagpasin ang pagkakataong to para iparamdam sakanyang sa lahat ng mga naging crush ko, sya ang pinaka-kakaiba.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ko ang ginawa ko kaninang umaga. Ghad! I just kissed him! Right into his lips! That's my first kiss though pero who cares? Sakanya ko naman binigay hihi.

Gusto ko sanang sya na ang trumabaho ng kiss namin pero ang bagal nya. Nakakainip kayang mag-hintay! Kaya ako na nag kumilos hehe. Muka namang effective dahil bangag sya hanggang sa matapos ang klase. Namumula din sya ng sobra.

Napangisi ako at napailing. Napaka-cute nya talaga. Alam kong lalaki dapat ang nagfi-first move sa babae lalo na sa kiss pero wala akong pake. Gusto ko syang halikan sa labi. Pag gusto ko, gusto ko hehehe. Di naman nagalit eh.

'Maulit nga sa susunod.'

"You want to make him happy, right?" tanong ni Artemis kaya napatingin ako sakanya. Tumango-tango ako bilang sagot.

"Then cook for him." natatawang sabi nya. Ngumiwi ako dahil dun.

"Turn off pag natikman nya luto ko." nakangiwing sabi ko na syang ikinatawa nilang dalawa.

Then a brilliant idea came into my mind!

"What if ako nalang yung tikman nya? Sure akong di aayaw yun at baka balik-balika----aray! Pota nag-bibiro lang naman eh! Oa makabatok ah!?" inis na singhal ko at pilit na iniwas ang ulo ko ng batukan nila kong dalawa.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon