Chapter 17: Chance

181 20 10
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

"Grayson, uuwi ka sainyo?" napatingin ako kay Athena ng itanong nya yun. Inosente syang nakatingin sakin habang kumakain ng fishball. Agad na nag-wala ang puso ko habang nakatingin sakanta.

Ngumiti ako at tumango. "Oo eh. Sa linggo kasi kailangan kong mag-serve sa simbahan." sagot ko at tumusok ng kikiam.

"Ahh!" napatingin akong muli kay Athena habang papasubo na sana ng kikiam na tinuhog ko. Nakita ko syang nakanganga sa harapan ko at nakatingin sa kikiam. Halatang gustong kainin ang tinusok ko.

Sinawsaw ko ang kikiam sa matamis na sawsawan at inihipan muna dahil mainit-init pa yun. Nang ayos na ay sinubo ko yun sakanya na agad namang nyang kinain at ngumiti pa sakin habang ngumunguya at nag-thumbs up pa.

"Mas masarap pala pag ikaw ang nag-subo. Subuan mo nalang ako!" nakangiting sabi nya at sobrang kulit pa ng boses. Natawa ako at napailing-iling dahil sa ka-kyutan nya.

"Tumigil ka nga!" natatawang sabi ko at muling tumusok ng kikiam. Muli ko yung sinawsaw sa matamis at inihipan bago kumain.

Sabado na ngayon at bukas ay ang pagse-serve ko sa simbahan. Tuwing hapon yun pero gusto ko ring makasama sila mama at papa sa umaga kaya pumupunta ako dun tuwing sabado ng hapon.

Kung nag-tataka kayo kung bakit kami mag-kasama ni Athena ngayon eh dahil tumatambay kami sa labas ng boarding house ni auntie Nori. Sakto namang may dumaan na nag-titinda ng fishball at kung ano-ano pang mga tusok na pagkain. Kaya eto kami ngayon, lamon ng lamon.

Nagulat nga ako dahil kumakain pala ng ganito si Athena eh. I mean, galing sya sa mayamang pamilya! Sa edad na 16 eh may sariling kotse na sya. May motor at kung ano-ano pa.

Kaso baka mamaya kumakain lang sya nito dahil inaya ko sya. Para pa namang ewan ang babaeng to.

"Kuya! Kikiam pa!" maligalig na sabi ni Athena sa tindero. Agad namang ngumiti si kuyang tindero at tumango bago kumuha ng mga kikiam at mag-luto ulit.

"Sarap sana kung may softdrinks. Tsk tsk tsk." sabi nya kaya muli akong napatingin sakanya.

Nakita ko syang sinubo lahat ang limang fishballs na nasa stick nya at nginuya yun. Napalunok ako habang nakatingin sakanya at biglang naubo.

Mabilis na nagawi ang tingin nya sakin at may laman pang pagkain ang bibig nya kaya lumolobo ang pisngi nya. Nanlalaki ang mga mata nya habang nakatingin sakin.

"Ok ka lang? Gusto mo ng tubig? Sandali lang ikukuha kita." sabi nya at nag-madaling pumasok sa loob. Pipigilan ko na sana sya pero agad na syang nakapasok sa boarding house na syang ikinakamot ko ng ulo.

'Di naman ako nabubulunan eh.'

Nginuya ko ang pagkain na nasa bibig ko at napangiti ng maliit. Yung mga ganito ka-simpleng pangyayari sa pagitan naming dalawa ay masyadong binabaliw ang sistema ko.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit na naman nya ko pinaparanas sakin ang mga kakaibang nararamdaman ko sa tuwing nandyan sya. Pakiramdam ko sobrang swerte ko dahil kasama ko syang kumain, nakaka-kwentuhan ko pa at lalong napaka-swerte ko dahil sakin sya may gusto. Hindi kay Remson. Hindi kahit kanino.

Huminga ako ng malalim at napailing-iling. Hindi ko alam at lalong hindi ako sigurado, pero sa bawat araw na nakakasama ko sya, laging nape-perpekto ang araw ko. Laging nagiging makulay pag nandyan sya. Pag kasama ko sya. Pag tumatawa sya at bumabanat sya.

Sa oras ba na malaman ko na ang ibig sabihin ng mga nangyayari sakin ay may kasunod pa? Mararanasan ko ba ang sinasabi nilang relasyon? Mararanasan ko bang masabihan ng 'mahal kita' ng hindi lang puro salita? Mararanasan ko bang mahalin ako ng gaya nya? Mararanasan ko ba ang mga bagay na yon?

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon