GRAYSON LEVI'S POV:
"Good morning!" agad akong napangiti at tumingin kay Athena ng batiin nya ko ng magandang umaga. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang maganda nyang ngiti. Ang laki masyado pfft.
"Good morning, love." sagot ko at tumingin sa kasama nya. Ngumiti ako kay Giselle na kasama si Amadeus ngayon.
"Good morning sainyo." nakangiting pag-bati ko. Bumati rin sila pabalik at naupo. Almusal kasi namin ngayon. Tapos na kaming mag-jogging.
Naupo sa tabi ko si Athena kaya lumapit ako sakanya para mag-tanong. "Di mo kasama sila Chance? Si Artemis at Aphrodite?" takang tanong ko. Di kase mapag-hihiwalay ang tatlong to kaya nag-tataka ako. Lagi kasing kasama ni Athena au si Giselle tapos kasama naman ni Aphrodite ay si Artemis.
'Nag-away-away ba sila?'
Ilang araw ko na rin silang hindi nakikitang mag-kakasama. Malapit ng matapos ang training camp na to pero hindi pa rin sila nag-uusap-usap.
May minsan ngang narinig ko ang mga sinasabi ng ilang volleyball players na nakalaban nila, sabi nila, hindi daw madalas mag-toss ng bola si Artemis kay Athena kahit tumatawag ito sakanya. Tas tuwing gabi naman, kung kelan dapat matutulog na ay naiiwan si Giselle at Athena sa loob ng court para mag-pratice. Kahit na mag-kaibang team sila.
Meron ding iba na nagpa-practice pa rin daw sa court kasama nila. Tas nakakalaro nila sila Athena kahit na magkakaibang team sila. Madalas ding mag-practice si Rosie sa court kaya bantay sarado din sya ni Athena.
Pero nag-tataka talaga ko sa tatlong yun eh. May problema ba sila?
"Si Chance may inaasikaso pa. Si Artemis at Aphro di naman ako kinakausap." sagot ni Athena at agad na nilantakan ang pagkain na nasa hapag.
"Bakit di ka kinakausap?" tanong ko at uminom ng kape pampagising.
"Malay ko dun sa dalawang yun. Pinagti-tripan ata ako eh." sagot nya at tumingin sakin.
Nagulat ako at agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla nyang itaas ang tinidor nya na may lamang ham at pinapakain sakin.
"Ahh. Kain na." nakangiting sabi nya na para bang wala lang sakanya kung di sya kausapin ng dalawa.
Tumingin ako deretso sa mga mata nya. Nakangiti sya pero wala na namang emosyon ang mga mata nya. Wala na namang sinasabi.
Hays.
Ngumanga ako at sinubo ang ham na pinapakain nya. Nginuya ko yun na syang nakapag-pangiti sakanya. Agad naman syang inasar ni Giselle na ang korni daw nya.
'Pfft. Parehas talagang mapang-asar ang dalawang to no? Kaya pala magkasundong-magkasundo.'
Nag-katinginan kami ni Amadeus at parehas na natawa at napailing pa. Sa ilang araw na magkasama kami sa court dahil sa training camp ay naging magkaibigan kaming dalawa. Madalas din naming makausap si Ares na hindi maka-relate sa usapan namin. Pano kase ang gusto nyang pag-usapan lagi eh mga babae.
'Si Athena lang ang gusto ko sa babae.'
"Athena----" muli ko pa sana syang kakausapin ng bigla syang tumingin sakin ng seryoso. Mukang ayaw oag-usapan ang tungkol dun.
"Kumain ka na, love. Maya-maya ay practice na." sabi nya at muling bumalik sa pagkain. Napabuntong hininga nalang ako dahil mukang wala ata syang balak sabihin sakin ang problema nilang tatlo.
'Ano nga bang pinag-awayan nila?'
Di ko talaga alam kung paano mag-sisimula ang away ng tatlong yun. I mean----oo, di sila matinong kausap at lalong puro gaguhan ang ginagawa nila pag mag-kakasama sila, pero kahit ganun ay hindi naman umaabot sa ganito. Yung di na sila mag-uusap?
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...