Lisa's Pov
📞"Sa tingin mo? Sinabi kaya ni Bobby ang pangalan ko kay Jennie?" Tanong ko kay Jackson. Kausap ko siya ngayon sa phone. At nandito na rin ako sa kwarto ko habang nakahiga sa kama.
📞"Ewan, siguro hindi." Pagsagot naman ni Jackson.
📞"Tsk, bakit mo naman nasabi iyan?"
📞"Hay, alam mo naman ugali ni Bobby diba? May pagkaloko loko rin iyon. Malay mo sinabi niya lang iyon para umalis na tayo dun."
📞"Hayst, di ako mapakali dito. I really need talk to Bobby."
📞"Sige na, huwag mo na muna isipin iyan. Wait lang Lis, kausapin nalang ulit kita mamaya. May kakausapin lang ako sa telephone."
📞"Okay sige, bye."
Matapos kong kausapin si Jackson, ay naisipan ko na rin ang lumabas ng kwarto at pumuntang kusina upang makakain ng pang snack ko.
Kaming dalawa lang ni Papa ang nandito ngayon sa Bahay, samantalang sila Tzuyu at Mama ang nagbabantay ngayon sa G- store. Si Lia naman ay nasa bahay nila Yuna, gumagawa sila ng mga assignments nila sa iba't ibang subject.
Pagbaba ko ng hagdan, ay naabutan ko si Papa na mahimbing pa ring natutulog sa pahabang couch, at rinig na rinig din ang paghilik nito.
Dumiretso na ako papuntang kusina, at kumuha na rin sa ref ng mga pagkain.
Muli na akong naglakad papaakyat sa hagdan dahil sa kwarto rin naman ako kakain.
Ngunit, hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko sa hagdanan, ay narinig ko ang pagdoorbell mula sa labas ng gate ng bahay namin.
Kaya naman naisipan ko munang dumiretso sa sala at ilagay sa glass table ang mga pagkain na kinuha ko sa Ref. At syaka inumpisahang maglakad papunta sa gate ng Bahay namin.
Pagbukas ko ng gate, ay isang lalaki ang bumungad sa akin. Nakasuot ito ng Uniform Bodyguard Suit.
"Dito po ba nakatira si Ms. Lalisa Manoban??" Tanong nito sa kin.
"Yes, And I'm Lisa? Why?" Tanong ko dito.
"I'm one of the body guard of Mr. Ji won, he sent me here because he wants you to invite for a dinner later. At sinabi niya po sa akin, may mahalaga daw po kayong dapat pag usapan." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...