C H A P T E R T H I R T Y T H R E E
________________________-Family Connection-
Lisa's Pov
"Wait, wait, wait?! Bakit sa kwarto ko pa siya matutulog? Bakit hindi nalang sayo?" Kunot noong tanong ko kay Tzuyu.
Pwede rin naman iyon matulog sa kwarto ni Lia, bakit sa akin pa? Hindi naman kami masyadong close nun...
"She can't sleep in my room dahil alam mo namang sinasamahan ako ni Mama sa kwarto, at kung kay Lia naman siya matutulog, sobrang liit ng kama sa kanilang dalawa."
"Hayst, paano naman ako? Alam mo namang mas sanay akong matulog mag isa." Pagdadahilan ko sa kanya.
Sana nalang kasi nung di lumalakas ang ulan umuwi na siya sa kanila.
"Sure ka? So, kaya pala dati halos buong araw magkatabi kayong natutulog ni Jennie sa kwarto mo." Taas kilay na pagkakasabi niya, at hindi mawawala dito ang pang aasar dahil sa pag-ngisi niya.
Napabuga naman ako ng malakas hangin, kasabay pa dito ang paghilot sa aking sintido.
Ayst! Ayoko ko siyang makatabi sa pagtulog, lalo na mag uusap pa kami mamaya ni Jennie sa cellphone.
Tsk, panira pa ng moment.
No, choice na talaga ako ngayon.
Napamewang naman ako at muling tumingin kay Tzuyu.
"Okay, papayag ako. Basta sa sahig siya matutulog."
"Sabihin mo sa kanya, huwag sa akin." Dagdag na sabi pa niya, hanggang sa muli na siyang naglakad papuntang kusina.
"Yahhh! Tzuyu naman!"
Padabog akong umakyat papunta ng aking kwarto. Ang ganda ganda na ng araw ko sa buong maghapon, masisira pa dahil lang sa pagtulog dito ni Nana.
Pagkarating ko sa kwarto ay kaagad kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama.
"Tsk, hindi ko hahayaang dito siya matutulog sa kama. I'm the only one who can sleep here." Matapang na pagkakasabi ko.
I checked the time on my phone, It's exactly 8:00 ng gabi.
Teka lang, hanggang ngayon wala pa rin si Lia?
Tok! tok! tok!
Napatigil ako sa pag iisip, at idinako ang tingin sa may pintuan...
"Sino 'yan?" Tanong ko sa taong kumatok.
"Can you open please?" Aniya nito.
Hindi na ako nagsalita, at tumayo nalang upang buksan ang pinto.
When I opened the door, Nana showed up.
Yes she is...
At hindi ko nagawang makapagsalita kaagad sapagkat napagtanto kong nanatiling nakabalot ng towel ang kanyang katawan.
"Don't tell me, dito ka magbibihis?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.
She formed her arms into x at tinaasan niya rin ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanficSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...