030 - Hating My Ex Girlfriend

1.2K 42 8
                                    

C H A P T E R   T H I R T Y
______________

-Drunk-

Author's Pov

Laman ngayon ng balita ang patungkol sa pagbili ni Nana ng Slurpee sa Store nila Lisa. Halos kumalat na rin kasi ito sa iba't ibang apps ng social media, lalo na sa twitter na trending na ito ngayon...

Simula noong sunod sunod na ang datingan ng mga tao, doon na rin naisipan ni Lisa na isara muna ang pinto sapagkat dinadagsa na ng mga tao si Nana, may mangilan ngilan na ring mga camera man ang nakaabang sa labas....

"Hindi ba't parang sumobra naman itong ginawa mo." Hindi makapaniwalang sagot ni Lisa, habang tulala siyang nakatingin sa glass wall na kung saan ay sandamakmak ng flash ng camera at cellphone ang pumapaligid sa kanila.

"Ayaw mo nun? Makikilala na itong Store niyo. So, be thankful to me." Nakangiting sagot sa kanya nito.

_

Mula naman sa Kim's Mansion, labis labis ang pagsalubong ng dalawang kilay ni Jennie habang pinapanood niya ang balita patungkol kay Nana.

"Tsk, magkasama pa talaga kayong dalawa ah." Masungit na sabi ni Jennie, habang hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa Flat Screen.

Tok tok tok!

Sa sobrang pokus ni Jennie sa kanyang pinapanood, hindi niya namalayan na may kumakatok na pala sa pintuan ng kwarto niya.

"Come in." Malamig na pagkakasabi niya.

"Ms. Kim, nakaready na po yung dinner. Hinihintay na rin po kayo ni Ms. Yeji sa dining area." Mahinhin na pagkakasabi ng maid.

"Okay. Susunod nalang ako."

Nang maisara na ng maid ang pinto, ay pinatay na rin niya ang TV at padabog siyang umalis sa kama niya.

Nang makarating na siya sa hapagkainan, ay napansin naman ni Yeji ang kakaibang kinikilos niya.

"Don't tell me, si Lisa na naman ang rason ng pagsusungit mong iyan." Taas kilay na sabi sa kanya ni Yeji.

Hindi naman siya pinansin ng kanyang Unnie, umupo nalang ito sa tabi niya at inumpisahang kumuha ng pagkain.

"Ba't ayaw mo pa kasi sabihin sa kanya na wala naman talaga kayo ni Mino?"

Huminto naman si Jennie sa pagkuha ng pagkain at humarap sa kapatid niya.

"Sa tingin mo ba kapag sinabi ko ang tungkol dun, mababago ang pakikitungo niya sa akin? I feel like she doesn't care about me anymore. And I hate it Yeji." At makikita sa mga mata ni Jennie na nasasaktan siya at napansin naman iyon ni Yeji.

"Why don't you try it? Ikaw lang naman ang nag iisip ng ganyan Unnie. Mas maganda kung sabihin mo na rin sa kanya ang totoo, para malaman mo na rin kung may pag asa pa kayong dalawa. Alam kong natatakot ka sa maaring mangyari pero kaylangan mo yun harapin Unnie. Kung patuloy mo lang iyang itatago, baka mas lalo pang lumayo ang loob sayo ni Lisa and the worst makahanap siya ng iba."

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon