054 - Hating My Ex Girlfriend

839 49 6
                                    

C H A P T E R  F I F T Y  F O U R
__________________

-Ticket-

Jennie's Pov

Bumalik ako sa Hotel na nanatiling basa ang aking buong katawan. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga taong tumitingin sa akin....

Wala akong ibang iniisip ngayon kundi si Lisa lamang...

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makamove on sa ginawa kong paghintay ng halos limang oras sa Park.

Sinayang ko lang ang oras na iyon, masyado akong nakampante na pupuntahan ako ni Lisa.

"Unnie?!"

Bigla akong natauhan ng nakarinig ako ng pagsigaw ng isang babae sa may bandang likuran ko. Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa taong iyon.

"Yah! Ba't basang basa ka? Anong nangyare sayo?" May halong pag aalala na tanong sa akin ni Yeji, huminto siya sa aking harapan at hinubad niya ang kanyang suot na Jacket at ibinalot ito sa akin.

Ngumiti ako ng kaunti at napansin ito ni Yeji.

"Why are you smiling?" Takang tanong niya.

"Ang sweet mo naman."

"Tsk, nagagawa mo pang ngumiti dyan. Anong nangyare sayo? Tingnan mo basang basa ka, magkasakit kapa sa ginagawa mong iyan." Sabi niya na kung umasta ay para siya ang nakatatanda sa aming dalawa.

"I've waited Lisa at the park, but she didn't come."

Napabuntong hininga siya sa sinabi kong iyon, at syaka siya umakbay sa aking balikat.

"Tara na, nang makapagpatuyo ka. Magagalit pa sayo si Mama." Pag iba niya ng topic.

_

Pagpasok namin sa condo ay alalang naglakad papalapit sa akin si Mama, inobserbahan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Jennie, bakit basa ka?" Sabi niya kasabay nun ang pagdampi ng kanyang dalawang palad sa aking pisngi.

Muling nanumbalik sa isipan ko ang ginawa kong paghintay kanina.

Hindi na ako nakapagsalita pa at tuluyan kong hinagkan si Mama kasabay ng pagtulo ng aking luha.

"Huli na Ma. Hindi ko siya nagawang makausap, lumipad na siya papuntang States." Naluluhang saad ko.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng pabalik  ni Mama at marahan niyang hinagod ang aking likod.

"Maghalf bath ka na Unnie, para makapagpahinga ka na muna." Mahinahon na sabi ni Yeji.

Hindi na kami nag usap pa ng matagal ni Mama, at pinapasok na niya ako sa bathroom upang ako ay makapaglinis na.

Pinanatili ko lang na magbabad dito sa bathtub habang tulalang nakatingin sa puting kisame.

Di pa rin ako makapaniwala na umalis na talaga si Lisa.

Tatlong taon ko siyang hindi makikita.

Sa tatlong taon na iyon? Makakaya ko kaya?

Kung hindi lang sana natuloy ang ginawang paghalik sa akin ni Jiyeon, hindi sana mangyayari ito...

But it happened at wala na akong ibang magagawa kundi ang iiyak nalang itong lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon