C H A P T E R F O R T Y
___________________________-The Ex and The Fiancee-
Author's Pov
"Lily, let's watch Squid Game. Trending kasi ngayon yon sa twitter even on Netflix yun yung nangunguna sa mga list." Pag aya ni Jennie kay Lisa, may hawak siyang isang malaking bowl na ang laman nito ay popcorn. Tumabi siya sa kanyang kasintahan, kasabay dito ang paglapag niya ng pagkain sa isang table na nasa kanilang harap.
Maghapon na nagstay si Lisa sa condo unit na tinutuluyan ni Jennie ngayon. Malayang magkayakap ang dalawa habang sila'y nakaupo sa mahabang sofa. Sa katunayan ay tatlong araw ng hindi umuuwi si Jennie sa kanilang Mansion, kaya naman labis ang pag aaalala ng kanyang Ina at kanyang kapatid na si Yeji. Ngunit pinaalam naman niya sa kanyang kapatid kung saan siya nanunuluyan ngayon....
"Gusto mong panoorin natin yon? So, dito ako matutulog?" Nakangiting tanong ni Lisa sa kanya.
Bigla namang napaisip si Jennie, na siyang ikinasimangot naman ng mukha ni Lisa.
"Come on, Mandu. Why am I not always being allowed to sleep here? Tito Harold doesn't know you are staying here. Kaya please? Kahit ngayon lang, masamahan kita?" She please to Jennie.
It seems like she convince Jennie, sa kadahilanan na hindi na ito nakipagtalo sa kanya.
"Ngayon lang okay?" Pagklaro sa kanya ni Jennie, na siyang ikinangiti naman niya ng malawak.
"Of course Madam!"
"Okay, pero mas maiging magpaalam ka muna kina Tito Marco."
"Yes, later. I will call him." Labis na pagngiti ni Lisa ng matamis.
Inumpisahan na nilang panoorin ang palabas na nais ni Jennie...
Taimtim na nanonood ang dalawa, hanggang sa biglang nawala ang atensyon nila sa panonood sa kadahilanang nakarinig sila ng pagtunog ng selpon.
"Lia's calling you." Saad ni Jennie habang nakatingin sa cellphone ni Lisa. Kinuha naman at sinagot ang tawag.
"Lia, napatawag ka?" Bungad na tanong ni Lisa sa kapatid.
"Unnie, umuwi ka na. Nandito kasi yung Lola ni Tzuyu Unnie. May pag uusapan daw kayo nila Papa." Sagot ni Lia mula sa kabilang linya.
"For what?"
"Hindi ko rin alam, kaya umuwi ka nalang."
Nanlumong napatingin naman si Lisa kay Jennie.
"Okay, just say to Papa I'm on the way." Hanggang sa tuluyan na rin niyang pinatay ang tawag.
"Ba't ganyan mukha mo? Anong napag usapan niyong dalawa ni Lia?" Nag aalalang tanong sa kanya ni Jennie.
"Nasa bahay ngayon yung Lola ni Tzuyu, mukhang may mahalagang pag uusapan, pinapauwi na rin kasi ako."
"You must better go. Mukhang importante talaga iyang pag uusapan niyo."
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...