007 - Hating My Ex Girlfriend

1.5K 61 28
                                    

Author's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's Pov

Nandito ngayon si Lisa sa Studio, upang manood ng rehearsal nila Jackson. Si Rosé muna ang vocalist ng banda, since hindi naman siya makakasama mamaya sa pagperform.

"Ba't mo naman tinanggap yung request sayo ni Bobby?" Tanong sa kanya ni Rosé.

"As usual dahil kay Jennie. Gusto niyang makausap at malapitan yung isa." Pagsagot naman ni Jackson ng pabalik.

"Pwede bang magpahinga na muna tayo? Lalabas na muna ako." Biglang pagsingit ni Jinny, pansin nilang parang wala sa mood ito. Dahil sa kanina pa ito tahimik, at hindi man lang nagagawang makisalamuha sa kanila.

Diretso lang sa paglalakad si Jinny at hindi nito nagawang lingunin si Lisa.

Labis naman ang pag aalala ni Lisa. Iniisip niya na baka mangyari na naman ang hindi pagpansin sa kanya ni Jinny ng halos ilang linggo.

Nang makalabas na si Jinny, ay nanatiling nakatingin lang si Lisa sa may pinto.

"Puntahan mo na, baka hindi ka na naman pansinin nun." Sabi sa kanya ni Rosé.

"Okay, sundan ko lang siya." At pilit siyang ngumiti sa harapan ng mga kaibigan niya.

Sumunod naman na lumabas si Lisa. Hanggang sa sila Rosé, Jackson at Hyunjin nalang ang natira sa loob ng studio.

"Grabe pala magmahal si Lisa Unnie." Manghang pagkakasabi ni Hyunjin habang nakangiti ito. Tumingin naman sa kanya si Jackson, at tinapik sa balikat.

"Huwag kang gumaya sa kanya, na masyadong nagmahal ng sobra, dapat magtira ka rin ng para sa sarili mo." Nakangiting sagot sa kanya ni Jackson.

_______________

At the outside of Studio......

"Jinny!" Patuloy na pagtawag ni Lisa sa pangalan ng kanyang kaibigan.

Simula nang makalabas siya at sa pagtawag niya dito, ay hindi pa rin siya pinapansin nito. Nagpapatuloy lang sa paglalakad si Jinny, at napapansin na rin ito ni Lisa na mas binibilisan pa nito ang maglakad.

Kaya wala naman siyang magawa kundi, ang bilisan niya rin ang paglakad niya nang mapigilan niya si Jinny.

"Jinny, talk to me." Sabi ni Lisa habang nagmamadali na rin siyang maglakad papunta kay Jinny.

Nahawakan naman siya ni Lisa sa may braso at ipinaharap siya nito sa kanya.

"Are you going ignore me again?" At bakas sa reaksyon ng mukha ni Lisa ang pagkabahala.

Ngunit hindi naman siya sinagot ng pabalik ni Jinny. Kita sa mga mata nito ang galit, nanatili lang siyang nakatingin kay Lisa habang magkasalubong kanyang mga kilay.

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon