013 - Hating My Ex Girlfriend

1.4K 55 16
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Author's Pov

Labis naman ang pagtataka ni Lisa sa kanyang kapatid na si Lia, napapansin din niya ang panay kutkot nito sa kuko. Kaya naman tinapik niya ito na siyang kinagulat naman ni Lia.

"May problema kaba?" Taas kilay na tanong sa kanya ni Lisa.

Pareho silang nasa sala at nanonood ng TV series....

"Wala." Matipid na sagot ni Lia at muli niyang kinutkot ang kanyang kuko na ikinainis naman ni Lisa.

"Hayst! Itigil mo nga iyang pagkutkot mo. Alam mo kahapon pa kita napapansin ah, may nangyari ba sa school niyo? May nang bully ba sayo? Sabihin mo lang sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na sumugod doon." Maangas na pagkakasabi ni Lisa habang nakataas ang kanyang dalawang kilay.

"Wala Unnie! May kinaiinisan lang akong tao." Nakasimangot na sagot ni Lia sabay napacrossed arm pa nito.

"Sino naman iyon? Inaaway ka ba nun?"

"Hayst. Kahit naman sabihin ko kung sino iyon, di mo rin naman makikilala."

"Ano bang ginawa nun sayo?" Muling tanong sa kanya ni Lisa.

Napatikom naman bigla si Lia ng bibig nang maalala niya ang pangyayaring ginawang paghalik sa kanya ni Ryujin.

Kaya imbes na sumagot siya, ay mas pinanatili na lang niya ang tumahimik at ituon ang tingin sa pinapanood nila ngayong Korean Novela.

"Hoy Lia, anong ginawa sayo ng taong iyon. Bibigyan ko ng leksyon iyon."

"W...w..wala! Sadyang naiinis lang ako sa kanya." Medyo nauutal na sagot niya.

Napakunot naman ng noo si Lisa.

"Tsk, wala? Hayst. Napaparanoid ka na yata. Magpadala ka na nga sa Mental." Sabi ni Lisa sabay tayo nito. Didiretso na siya sa kwarto niya upang makapagshower dahil siya ang magbabantay ng Store nila ngayon.

Pinabayaan naman siya ni Lia na umalis, at tila ba may sariling mundo ito dahil sa hindi niya pinapansin ang mga nakapaligid sa kanya.

**********

Ansan Wa Stadium || South Korea

Ansan Wa Stadium || South Korea

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon