028 - Hating My Ex Girlfriend

1.1K 42 11
                                    

C H A P T E R   T W E N T Y  E I G H T
______________________

-Yongdusan Park-

Author's Pov

Isang linggo ang lumipas....

"Auntie, lunch is ready." Sabi ni Bobby habang nasa labas siya ng kwarto ni Yoon Hee.

Ilang araw nang nagkukulong lang sa kwarto si Yoon Hee, simula noong araw na nagkita sila ni Marco sa Hospital...

Yun din sana yung araw na kakamustahin niya ang kanyang apo na si Tzuyu, subalit hindi na siya tuluyang nakalapit dito, sapagkat naisip niya ang mga salitang binitawan sa kanya ni Marco.

"How's Grandma? Is she awake??" Bungad naman ni Nana ng makalapit na siya kay Bobby. Hindi niya maiwasang mag alala sa Lola niya, lalo na't bihira lang ito lumabas ng kwarto.

"She still not answering." Sagot ni Bobby ng pabalik.

Kusa nang pinihit ni Nana ang doorknob ng pinto, at dumungaw siya dito upang tingnan ang kanyang Lola.

"Grandma." Panimulang tawag niya dito hanggang sa pumasok na rin siya sa loob, at lumapit sa kanyang Lola na nanatiling nakahiga lamang sa sariling kama nito.

Napansin niyang gising na ito, subalit tulalang nakatingin lamang sa bintana na siyang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto.

"Gusto mo bang padalhan nalang kita dito ng pagkain?" Mahinahon na tanong ni Nana, subalit hindi naman siya nakatanggap ng sagot nito.

Kaya napasinghap na lamang siya ng malalim na pagbuntong hininga.

"I'm going to tell maid, bring you a food here." Walang ganang sagot ni Nana at lumabas nalang din ng kwarto.

"What's happening bakit ba siya nagkaganyan?" Tanong sa kanya ni Bobby ng makalabas siya ng kwarto.

"She already found Fatima." Diretsahang sagot ni Nana.

____

Lisa's Pov

"You're 2 minutes late." Bossy na pagkakasabi ni Jennie, habang nakacrossarm pa siyang nakatingin sa akin.

Ito na. Sasabihin ko na sainyo...

Tatlong araw na akong nagtatrabaho bilang Personal Assistant niya.

Paano nangyari iyon??

Well, lahat lang naman kasi ng inaplayan kong trabaho ay hindi ako tinanggap. Nagtataka nga ako kung bakit, since na deliver ko naman ng maayos yung pagsagot sa mga tanong nila sa akin. Kaya no choice ako, kundi ang pumayag na maging assistant ni Jennie sa loob ng isang buwan...

Para na rin naman ito kay Tzuyu, lalo na nalaman ko kay Papa na gusto pala siyang kunin ng Lola niya...

"Traffic kasi ng ganitong oras, syaka dalawang minuto lang naman akong late ah." Dahilan ko sa kanya.

"Kahit na, alam mong papasok ka sa trabaho dapat inaagahan mo na rin pagkilos mo." Pangangaral sa akin ni Jennie.

"Then fire me. Maghahanap nalang talaga ako ng ibang trabaho." Saad ko naman sa kanya.

Big deal ba talaga sa kanya na malate ako ng 2 minuto??

"No, I'm not going to fire you Lisa. Since nag-umpisa ka nang magtrabaho sa akin." Taas kilay na sabi niya sa akin.

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon