044 - Hating My Ex Girlfriend

653 40 4
                                    

C H A P T E R   F O R T Y   F O U R
____________________

-Accident-


Author's Pov

"LISAAAAAAA!" Jennie yelled as she saw Lisa run over by a white car.

Labis ang pagkabigla ni Jennie ng makita niyang masagasaan si Lisa.

Bigla na lamang siyang natulala at di kalaunan ay napaupo sa kalsada sa kadahilanang nanlambot ang kanyang mga tuhod.

Nagpatuloy ang pag agos ng luha ni Jennie,  at para ba siyang nabingi dahil sa unti unting humihina ang pandinig niya sa buong paligid.

"Lisa." Bulong na pagkakasabi niya at ang tanging malakas na pagtibok lamang ng kanyang puso ang kanyang naririnig.

May iilang mga tao ang nagtipon tipon kung saan nakahandusay si Lisa na walang malay.  Bumaba ang driver ng kotse na nakasagasa sa kanya.

Dahan dahang muling tumayo si Jennie habang hindi niya iniiwas ang tingin kay Lisa.

Bumabagal sa kanyang paningin ang bawat pagkilos ng mga tao, tila ba para siyang hinihigop ng lupa sa kadahilanang hindi niya magawang makatayo ng maayos.

Kaya naman pinilit niya ang kanyang sarili na makakilos, at pataranta siyang tumakbo kung saan naroroon si Lisa.

"Lisaaaaa!" Muling paghagulgol ni Jennie sa pag iyak.

Nang makalapit na siya ay labis ang kanyang panlulumo na siyang ikinaluhod niya at kaagad niyang binuhat ang kalahating katawan ni Lisa.

"Lisa, gumising ka please! Lisaaaa!!!"  Patuloy na pag iyak niya.

Labis ang pagdurugo ng ulo ni Lisa habang ang ilang parte ng kanyang katawan ay may sugat..

"Please help me to send her to the Hospital!!!" Pagmamakaawa ni Jennie habang nanatiling hawak hawak niya si Lisa.

"I'M SORRY LISA! I'M SO SORRRYYY! PLEASE! GUMISING KA!" Labis na kanyang paghingi ng tawad, habang hinahaplos niya ng marahan ang pisngi na may bahid ng dugo nito.

May isang lalaki naman ang lumapit at tumabi kay Jennie, at dahan dahan nitong kinuha sa kanya si Lisa.

"Let me help youuu." Biglang saad ng lalaki na kung saan ay ito ang nakabangga kay Lisa.

Inalalayan naman ni Jennie na makarga si Lisa ng lalaki hanggang sa isinakay siya nito sa loob ng kotse.

Pumasok na sa loob ng kotse ang driver. Samantalang kusa na rin sanang papasok si Jennie nang may biglang humawak sa braso niya at nilingon niya ito.

"What happened here?" Naguguluhang tanong ni Jiyeon ang taong nakahalikan niya.

Labis naman ang pagwasiwas na ginawa ni Jennie sa kanyang kamay at masama siyang tiningnan nito.

At dahil sa galit ay tuluyan rin siyang sinampal ng malakas.

PAKKKK!!

"Look what you've doneee!!!! Kaya huwag na huwag mo nang susubukan na ipakita pa iyang pagmumukha mo sa akin!!!" Nanggagalaiting pagkakasabi ni Jennie, at kaagad na siyang pumasok ng kotse ng hindi hinintay na makasagot ng pabalik si Jiyeon.











Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon