C H A P T E R T W E N T Y F I V E
____________________-Wise Jennie-
Jennie's Pov
8:00 in the morning....
Nagising akong nakabalot ng kumot ang aking buong katawan at inumpisahang libutin ng tingin ang buong kwarto...
Where Am I?? Pagkakaalala ko nasa Store ako nila Lisa?
Who brought me here??
Dahan dahan kong tinanggal ang kumot sa aking katawan at syaka umupo.
Napagtanto kong nakalagay sa aking paanan ang bag na dala dala ko kagabi. Kaya naman kinuha ko ito at tumayo na rin...
Hindi pa man ako nakakalabas nang kwarto, napaisip ako na parang pamilyar ito sa akin.
May napansin akong isang CCTV Cameras with Computer Monitor. Nakapuwesto ito di kalayuan sa Kama. I walk towards the Computer Monitor, hanggang sa makalapit na ako dito at nakita ko sa computer ang bawat kuha ng Store sa iba't ibang anggulo. Hinanap ko ng tingin kung saan naroroon si Lisa.
At napansin kong nasa may counter siya at mukhang tulog dahil sa nakalagay ang ulo niya sa may counter table, habang nakatakip sa mukha niya ang isang braso niya.
Hayst, my poor Lili.
Tuluyan na rin akong lumabas ng kwarto at dumiretso kay Lisa....
Hindi ko na muna siya ginising bagkus ay tumabi na muna ako sa kanya, buti nalang may isang bakanteng upuan pa dito.
Hinawi ko ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa gilid ng kanyang mukha..
Sobrang lalim ng tulog niya, siguro dahil na rin sa pagod sa pagbabantay at pagtitinda niya dito.
Nakakahiya. Nagawa ko pa siyang tulugan. Such a stupid Jennie.
Huwag ka na umulit sa susunod...
"Jennie Unnie??"
Napabaling naman bigla ang tingin ko sa taong tumawag sa akin.
Lia.
Kaagad naman akong napatayo mula sa kinauupuan at sinimulang batiin siya.
"Hi Lia!" Magandang bungad na pagbati ko sa kanya.
"Hmmm." Muling napadako ang tingin ko kay Lisa nang marinig ko siyang umungol, unti unti na siyang kumilos hanggang sa naidilat na rin niya ang kanyang mga mata.
"Lia, gisingin mo na iyang Unnie mo nang m------ Jennie?" Biglang pasok ni Mr. Marco ang Papa nila Lisa.
Pareho sila nang naging reaksyon ni Lia nang makita nila akong nandito.
Samantalang si Lisa naman ay parang naalimpungatan at bigla nalang siyang napabangon at tumingin sa akin.
"G..g..gising ka na pala." Medyo nauutal na sabi niya.
Nakita lang nila ako, bakit ganyan na ang mga reaksyon nila???
Ngayon lang ba sila nakakita ng ganitong kagandang babae??
Stop Jennie. Masyado ka nang mahangin.
"Uhm, Hello po Mr. Marco." Nakangiting bati ko kay Tito.
Samantalang si Lisa naman ay napakamot ng ulo ng makita niya ang Papa niya at si Lia.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
Fiksi PenggemarSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...