C H A P T E R F O R T Y T W O
_______________-Conditions-
Author's Pov
"Anong gusto mong breakfast? Paglulutuan kita." Sabi ni Lisa habang nakayakap ito mula sa likuran ni Jennie.
Inihahanda ngayon ni Jennie ang iilang kagamitan na gagamitin sa pagluto....
"Ako nang magluluto para sayo, just sit there and wait until our breakfast's cooked." Pag angkin naman ni Jennie sa gawain.
Humiwalay naman sa pagkakayakap si Lisa at kinuha kay Jennie ang hawak hawak nitong Pan.
"Nah, ako ang chef ngayon." Ngiting sagot ni Lisa at nagpose pa ito na parang kusinera.
"Masarap ka ba magluto Manoban??" Taas kilay na tanong ni Jennie sa kanya.
Ipinulupot naman ni Lisa ang kanyang kanang kamay sa baywang ni Jennie, at syaka siya sumagot ng pabalik.
"Yes. Of course, future MRS. MANOBAN." Ngising sagot niya na ikinatikhim naman ni Jennie.
"Ehem! Okay. You won."
"Haha thank you Wifey."
Biglang napataas ng kilay si Jennie sa sinabi niya.
"Is that our new call sign?"
"Pwede rin, para advance."
"Well, I'm agree."
Habang inuumpisahan na ni Lisa ang pagluluto ay patuloy lang ang pagkukwentuhan nilang dalawa.
"Nini, what if makabuo na tayo ng pamilya? Ilang anak ang gusto mo?"
"Hmm, three. How about you?"
"Ako, gusto ko ng Lima." At malawak na ngumiti si Lisa.
"Five? Why?" Takang tanong sa kanya ni Jennie.
"Para mas masaya. Ayaw mo ba nun?"
"Okay lang. Wala namang masama kung maging lima ang anak natin. Mas maganda nga yata kung sampu eh." Pagbibiro ni Jennie, na ikinatawa naman ni Lisa.
"Edi gawin na nating sampu, di mo na kailangan magbiro ng ganyan Mrs. Manoban.Pwede naman natin totohanin." Sabay kindat niya.
"Naughty Manoban." Ngising sabi ni Jennie sabay kagat pa nito sa labi.
"Sayo lang naman. RAWWRRR!!!" At nag-akma pang parang pusa si Lisa sa pamamagitan ng pagkalmot ng kanyang mga daliri.
"Hahaha! Enough, baka kung saan pa mapunta yung almusal natin." Makahulugang pagkakasabi ni Jennie. Na siyang nakuha naman kaagad ni Lisa ang ibig sabihin nito.
"Well, ikaw lang naman nag iisip ng ganyan hahaha."
Lumipas ang ilang oras ay natapos na rin si Lisa sa pagluluto at inumpisahan na rin nila ni Jennie ang kumain ng umagahan.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...