045 - Hating My Ex Girlfriend

671 40 3
                                    

C H A P T E R   F O R T Y   F I V E
______________________

-Confrontation-

Author's Pov

"I know it was my mistake, but I can't leave Lisa without knowing her condition. Gusto kong makasiguradong ligtas siya." May halong pag aalala na sabi ni Jennie.

"At pagkatapos kapag nagising siya, kakausapin mo siya para mag-explain ka sa kanya?? Alam kong konting paliwanag mo lang, ay mapalalambot mo na naman ang puso niya! You are selfish Jennie! Hindi mo ba napapansin? Dahil sa mga ginagawa mo, paulit ulit lang siyang nasasaktan. Nasayo talaga  ang problema, ikaw mismo ang nagdadala ng problema sa buhay ni Lisa." Inis na sabi ni Nana.

May iilang mga tao ang napapadako ang tingin sa kanilang dalawa,  at ang iba naman ay tila ba pasimple silang kinukuhanan ng litrato,  siguro'y may iilang nakakakilala sa kanila. Kaya di naman maiwasan ni Jennie ang mapayuko, at napansin din naman iyon ni Nana....

Nana's trying to calm herself, and sighed.

"Ayoko nang mapunta pa ito sa gulo, at maging laman pa tayo ng balita. Isipin mo nalang ang magiging reaksyon nila Tito Marco kapag nalaman nilang ikaw ang may pakana kung bakit naaksidente si Lisa."

Napakagat labi si Jennie habang pinipigilan niya ang mapahagulgol sa pag-iyak. Alam niyang magagalit sa kanya ang mga ito, at ang bagay na kinatatakutan niya ngayon, ay baka tuluyan na rin siyang itakwil ng mga ito at hindi na muli siyang papayagan na makalapit pa kay Lisa.

"Ako na ang magpapaliwanag kina Tito Marco, mas maganda na rin kung pawalan mo na si Lisa, nang sa gayon ay hindi mo na muli siyang masasaktan pa."

At tuluyan na ring umalis si Nana at iniwan siyang mag isa na nakaupo sa gilid.

Dahil sa mga natanggap niyang salita kay Nana, ay pinili niya na sundin nalang din ang sinabi nito.

Alam niya sa kanyang isip na kahit anong pagpapaliwanag ang sasabihin niya kina Marco at Priya ay malabong intindihin  at paniwalaan pa siya ng mga ito lalo na buhay ni Lisa ang nakasalalay.

_

Jennie just went back to her condo, as when she came in, tulala siyang napatingin sa mga pagkaing  nakakalat sa sahig...

Hanggang sa muling bumalik sa isipan niya ang nangyari kanina....

She sat down on the floor and start to cry again. She didn't expect that to happen.

Nabigla lang din siya sa ginawang paghalik sa kanya ni Jiyeon, akala niya ay nais lang nitong makipag usap sa kanya ng maayos, subalit may binabalak pala itong hindi maganda.

Her eyebrows met when her father  pop up on her mind....

Dahil sa nangyaring iyon ay iniisip ni Jennie na maaring plinano iyon ng kanyang ama na si Harold....

Muli siyang tumayo habang hindi nawawala ang kanyang galit. Ikinuyom niya ang kanyang dalawang kamao, at lumabas ng silid na magkasalubong ang kanyang dalawang kilay.






Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon