C H A P T E R F I F T Y
_______________-Endanger-
Jennie's Pov
I allowed Jiyeon to stay here in my condo,dahil may napag-usapan kaming dalawa tungkol sa balak naming pinaplano...
Kwinento ko na rin kina Mama ang dahilan kung bakit ko siya kasama ngayon sa pagpasok dito.
"Sigurado ka bang totoo ang sinasabi niyan, baka mamaya napag-utusan na naman iyan ng Papa mo." Nag aalalang sabi ni mama, nandito kami sa may salas kung saan ay malayo sa kinauupuan ni Jiyeon.
"I'm sure, she's telling the truth. Nakita ko ang takot sa mga mata niya habang nagkukwento siya sa akin kanina. Wala namang masama Ma, kung susubukan ko. Lalo na kaylangan ko rin ng tulong niya, alam ko kasing siya lang ang makakapagpaliwanag kay Lisa, mas paniniwalaan siya nito kung siya ang magsasalita."
"But Jennie we can't s--"
"Hindi ko pababayaan ang sarili ko Mama. Pangako ko iyan." At ngumiti ako sa kanya upang mapagaan ang kanyang loob.
Napabuntong hininga na lamang siya kasabay nun ang pagyakap sa akin.
Pasado 9:00 pm pumasok si Mama sa kwarto namin kasama na rin niya si Yeji. Kaya kami nalang ni Jiyeon ang natitira dito sa Salas.
"M..may naisip ka n.a bang paraan?" Tanong niya at hindi maiwasan nito ang mautal.
"Yeah, madali lang sa akin ang makapasok sa Mansion. But there's a thing that I need to know, where do you think can I find the video?" I asked her.
"He basically shown it to me from his phone."
Sa cellphone ni Papa?
Mukhang mahihirapan ako nito, lalo na palaging bitbit pa naman ni Papa ang cellphone niya.
Isang paraan lang ang pwede kong gawin.
Madaling araw dapat ako pumunta sa Mansion para makuha ko ang cellphone kay Papa.
"Tomorrow, before midnight kaylangan nasa labas na tayo ng Mansion para maobserbahan natin ang ginagawa ni Papa. Magpapatulong tayo sa isa naming katulong doon, sa kanya tayo makikibalita. Klaro ba iyon sayo?" Paglinaw ko sa kanya.
Napangiti naman siya kasabay nun ang pagtulo ng kanyang luha.
"Yes! Yes. Thank you so much Jennie. Thank you so much!" Labis na pasasalamat niya sa akin.
-
Fastforward....
Pagsikat pa lang ng araw ay kaagad na kaming kumilos ni Jiyeon.
Ngayon palang ay kinakausap ko na ang isa sa mga katulong namin na pinagkakatiwalaan ko.
Si Yna. (Extra lang yan hehes.)
📞"Anong ginagawa ni Papa?" Tanong ko sa kanya habang kausap ko siya sa cellphone.
Nandito kami ngayon ni Jiyeon sa loob ng kotse niya, may iilang kagamitan kaming bibilhin na baka sakaling pwedeng makatulong sa amin mamaya.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...