Author's PovSaturday.....
"Tsk, really? Ganyan kana ba kabaliw kay Jennie. Pupunta ka pa ng bahay nila makita lang siya." Sabi ni Jinny kay Lisa.
Nasa G- store sila ngayon, at si Lisa ang bantay sa store nila hanggang mamayang 12 pm. Ang mama niya kasi ang nag aasikaso ngayon sa bahay nila. Samantalang si Tzuyu ay umalis at hindi na naman ito nagsabi kung saan siya pupunta.
"Sabihin mo nang baliw kung baliw, pero gusto ko na talaga siyang makausap at makita eh. Palibahasa kasi ikaw, di mo pa nararanasan ang mainlove." Seryosong sagot naman ni Lisa.
Napagulong na lamang ng mata si Jinny sa sinabi niya....
"Tch, di mo lang kasi alam." Pabulong na sabi ni Jinny.
"Siya nga pala, binalik na kita sa GC huwag ka nang magleave ah? Alam mo naman iyon si Jackson masyadong mapang asar." Paalala pa ni Lisa kay Jinny.
"Hindi naman iyon yung rason eh." Sagot naman ni Jinny na ikinataka niya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong naman sa kanya ni Lisa.
"Wala. Sige na aalis na ako." Masungit na pagkakasabi nito hanggang sa tuluyan na rin siyang lumabas ng store.
Nang makalabas na si Jinny, ay siyang namalayan naman ni Lisa na may nagtext na sa kanya.
Inopen naman niya ito, at binasa ang message na natanggap niya.
📨"Hi! How's your doing right now? Pasensya na ngayon lang ako nakapagreply sayo, ang dami ko kasing inasikaso ngayon eh. By the way Namiss kita kaagad, at alam ko namang namiss mo rin naman ako:)" Nana || 10: 20 am
"Tch. Ang lakas ng loob niyang magsabi ng ganyan ah."
📨"Nandito ako ngayon sa Store namin nagbabantay." Lisa || 10:20 am
📨"Bakit parang wala ka sa mood ngayon?" Nana || 10: 20 am
📨"Nah, I'm just bored. Until now no one's customer attempt to come here." Lisa || 10:21 am
📨"Aww my poor Lili:(" Nana || 10:21 am
Napatigil naman bigla si Lisa.
"Lili?" Takang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...