C H A P T E R T H I R T Y O N E
______________-Rooftop-
Jennie's Pov
Gumising akong may pangingirot sa aking ulo, kaya dahan dahan ko namang idinilat ang aking mga mata at umupo upang isandal ang aking ulo sa headboard ng aking kama.
Arghh, marami ba ang nainom ko kagabi?
Kukunin ko na sana ang telephone na nasa ibabaw ng table ko, upang tawagin ang aming katulong ng mapagtanto kong may nakalagay na gamot at isang basong tubig sa ibabaw din ng table, may nakaipit din na isang maliit na papel sa ilalim baso.
Kinuha ko naman ang papel na iyon hanggang sa nakita kong may nakasulat dito.
"Take this medicine, para mawala ang pangingirot ng ulo mo."
Hmm?? Sino naman to?
Hindi kaya si Yeji??
Pero mukhang hindi naman siya, lalo na never naman yon naging sweet sa 'kin.
Muli kong binalik ang papel sa table at kinuha na rin ang baso at ang isang gamot upang inumin ito.
Matapos kong uminom ng gamot ay tumayo na rin ako, upang pumuntang Dining Area dahil sa nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Hindi ko akalain na ang haba pala ng naging tulog ko. Halos 9:50 am na ako nagising.
-
Hindi pa naman ako nakakarating sa Dining Area ay nalalanghap ko na ang amoy ng luto na nanggagaling doon..
"Ma'am Jennie gising na po pala kayo. Kumain na po kayo, kanina pa po kayo hinihintay ni Ma'am Lisa sa Dining Room, siya na po ang nagluto ng breakfast para sainyong dalawa." Nakangiting saad ng maid.
Tila ba parang na blanko ako sa sinabi niya.
"Wait, si Lisa nandito??" Muling pagklaro ko sa kanya, at tumango naman siya sa akin bilang sagot.
Hindi naman na ako nag atubili pa at madali akong pumunta sa hapagkainan. At tama nga ang sinabi ng maid. Nakikita ko ngayon si Lisa na nakatayo sa harapan ng lamesa habang kinukuhanan niya ang ilang pagkaing nakahain na.
"Lisa." Pagtawag ko sa pangalan niya. Ibinaling naman niya ang tingin niya sa akin.
Hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko, napansin ko ang pagngiti niya ng matipid sa akin. At yung ngiti na iyon ang dahilan ngayon ng pagkabog ng malakas ng aking dibdib.
"Gising ka na pala. Tara sabay na tayo kumain." May halong sigla na pagkakasabi niya.
Anong nangyayari??? Bakit parang may kakaiba sa kanya??
"Why are you here?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
Napataas naman ang dalawang kilay niya at sinagot ako ng pabalik.
"Monday today, I'm here for a work." Saad niya.
-_____-
Oo nga pala nakalimutan ko.
Nagtatrabaho pala siya sa akin.
But infairness mukhang nasa mood siya ngayon.
"Tara, alam kong nagugutom ka na." Dagdag na pagkakasabi niya.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...