020 - Hating My Ex Girlfriend

1.3K 39 11
                                    

Lisa's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lisa's Pov

Wednesday...

Inaayos na namin lahat ang mga gamit namin, dahil ngayon na ang huling araw namin dito sa campground.

Sa totoo lang hindi ako masyadong nakapag enjoy dahil kay Jennie. Simula noong unang araw na nag stay kami dito, hindi na niya ako tinantanan at panay ang lapit niya sa akin. Medyo naiilang din kasi ako lalo na kasama namin ang nobyo niya. Ayoko ko namang makarinig ng hindi magandang salita galing kay Mino, dahil kung nagkataon talaga na marinig niya ang usapan namin ni Jennie, paniguradong magkakagulo gulo kami dito...

Lumipas ang oras, ay tuluyan na rin kaming umalis at lumabas ng Campground Park.

Around 3:00 pm pa kami makakarating ng Busan dahil dalawang oras ang byahe mula dito sa Seoul hanggang doon.

Nandito kami ngayon sa harapan ng gate, upang hintayin ang sasakyan naming Van, at ganun din sina Mino...

Habang naghihintay kami, naramdaman ko naman ang pagvibrate ng cellphone na hawak hawak ko. Kaya naman tiningnan ko ito.

Nakatanggap ako ng text galing kay Nana...

Wala manlang galing kina Mama??

Hindi ba nila ako namiss?🥺

Binuksan ko naman ang message sa akin ni Nana.

📨"Hey Lili! How's the camping?? Did you enjoy it?😊" - Nana || 12:48 pm

Wala naman akong ginagawa kaya naisipan ko na replayan siya...

📨"Okay lang naman. Nag enjoy naman ako ng kaunti🙂" - Lisa || 12:49 pm

📨"Slight lang?? Why? Hindi mo ba nagustuhan iyang place??" Nana || 12 : 49 pm

Sisimulan ko na sanang magtype nang tawagin maman ako ni Jackson.

"Hey, nandito na yung Van." Agaw atensyon niya sa akin.

"Mag ingat kayo ah." Nakangiting paalam sa amin ni Bobby, at kumaway naman ang dalawang kaibigan ni Jennie na sina Jeongyeon at Nayeon.

"Thank you by the way for joining us." Sagot naman ni Mino.

"Haha, welcome. Kami dapat ang magthank you dahil libre lahat hahaha." Pagbibiro naman ni Jisoo.

Idinako ko naman ang tingin ko kay Jennie, at napansin ko na abala siya sa cellphone niya.

Naghintay ako na baka sakaling lumingon siya, subalit muli naman akong tinawag ni Jackson at pinapasok sa loob ng Van....

Pagpakapasok ko sa loob ay tinabihan na ako ni Jinny, samantalang nakapuwesto naman sa likuran sina Jisoo at Rosé. At si Jackson ang magmamaneho.

Sumilip ako sa bintana upang tingnan si Jennie, ngunit napansin kong nakarating na rin ang kotse nila at tuluyan na rin siyang pumasok sa loob nito. Kaya muli kong ibinalik ang atensyon ko sa phone upang mareplayan ko si Nana.

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon