Author's Pov
4:30 pm na nakauwi sila Lisa dahil sa pamamasyal. At simula noong nagkita sila ni Jennie, ay hindi na ito maalis sa isipan niya.
Inihinto naman ni Jackson ang kotse niya sa may tapat ng bahay nila Lisa....
"Thank you Oppa Jackson!" Sabi ni Lia, hanggang sa lumabas na rin ito ng kotse.
Susunod na dapat na lalabas si Lisa ng pigilan siya ni Jinny. Kaya napatingin naman siya dito.
"Tandaan mo yung mga sinabi ko sayo." Paalala sa kanya nito. Tumango na lamang siya bilang sagot.
Lumabas na rin si Lisa, at kumaway kina Jackson upang magpaalam.
"Bye, mag ingat kayo."
"Bye."
Nang makaalis na sila Jackson, ay binuksan na ni Lisa ang pinto ng gate nila gamit ang susi.
____________
Pagkapasok nilang dalawa ni Lia sa loob, napansin nilang walang tao sa Sala ngunit nakabukas naman ang ilaw.....
"Bakit ngayon lang kayo?"
Pareho namang nagulat sina Lisa at Lia nang may taong nagsalita mula sa likuran nila at si Tzuyu iyon.
"Yahh!! Unnie naman!" Gulat na pagkakasabi ni Lia.
"Hayst, alam mo sa tuwing darating ako dito sa bahay bigla bigla ka nalang sumusulpot, daig mo pa si Sadako sa panggugulat." Sabi naman sa kanya ni Lisa.
"At syanga pala pumunta dito si Bobby kanina, hinahanap ka. Kaso wala ka naman, kaya babalik na lang daw siya sa Friday." Saad sa kanya ni Tzuyu.
"Tsk, ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin. Di niya alam may kasalanan pa siya." May halong inis na sabi ni Lisa.
"Unnie, nandito pa ba si Papa??" Tanong ni Lia kay Tzuyu.
"Wala, sinamahan niya ngayon si Mama sa G Store."
"Sige na, magpapalit lang ako." Sabi ni Lisa. Hanggang sa sinimulan na niya ang maglakad papunta sa hagdan.
"Bumaba ka kaagad ah, tulungan mo ako sa gawain sa kusina!" Pahabol na sabi sa kanya ni Tzuyu.
👇🏽👇🏽👇🏽👇🏽👇🏽
Lisa's Pov
Ibinagsak ko muna ang katawan ko sa kama, at syaka inumpisahan ang magmuni muni.
Hindi ko pa rin malimutan ang biglaang pagkita namin ni Jennie kanina.
Akala ko pa naman, tuluyan akong malilibang sa buong maghapon, pero ang totoo ay hindi.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanficSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...