C H A P T E R T W E N T Y S E V E N
__________________________-Family Connection-
Author's Pov
Kinagabihan ay dumiretso nang pumunta sina Marco at Nana sa Hospital.
Halos madali nang naglalakad si Marco papunta sa Emergency Room, nalaman niya kasi kay Nana na tinakbo pala si Tzuyu kaninang umaga sa Hospital at walang nagsabi sa kanya ang tungkol dito maski si Lisa ay hindi siya minessage nito. Kaya labis labis naman ang kanyang pag aalala. Hinayaan na lang niya munang isara ang kanilang Store.
Pagkarating nila, ay naabutan nila pareho ni Nana na nag-aayos na nang gamit si Priya, samantalang si Tzuyu naman ay nanatiling nakaupo habang tinutulungan ang kanyang Ina...
"Anong nangyari? Bakit wala manlang nagsasabi sa akin?" Bungad sa kanila ni Marco, kaya naman napadako sa kanya ng tingin ang mag ina.
Di kalaunan ay napansnin ni Tzuyu si Nana na katabi lang ng kanyang Ama. Nginitian lamang siya nito ng matipid hanggang sa naputol ang tinginan nilang dalawa, nang may biglang tumawag sa pangalan ni Nana mula sa likuran nito.
"Nana? Why are you here?" Napabaling naman ang tingin nilang lahat sa taong nagsalita na iyon.
"Grandma." Gulat na pagkakatawag ni Nana sa lola niya.
Hindi naman maipinta ni Marco ang kanyang reaksyon ng makita niya si Yoon Hee.
"Yoon He..e." Nauutal na pagkabanggit ni Marco sa pangalan nito.
Hindi naman nakasagot ng pabalik si Nana dahil sa pagkabigla niya. Samantalang si Yoon Hee naman ay napatingin kay Marco, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagkamuhi niya dito, ngunit hindi niya pinapakita ang sama ng kanyang loob at kalmado lang siyang nakatingin kay Marco.
"Sino po kayo?" Agaw atensyon ni Tzuyu sa kanilang lahat.
Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Yoon Hee ng ibinaling niya ang kanyang tingin kay Tzuyu...
"Grandma please, don't make a trouble here." Bulong ni Nana sa Lola niya. Subalit hindi naman siya pinansin nito at humarap kay Priya.
"Where's her doctor? I want to talk to him." May halong pagmamataas na sabi niya.
Wala namang nagsalita hanggang sa kusa nang lumapit sa kanya si Marco at kinausap siya nito ng masinsinan.
"Please, Tita Yoon Hee. Kung may balak ka man, huwag mong gawin sa amin 'to. Lalo na nasa masamang kondisyon si Tzuyu." Pakiusap ni Marco.
Nung una ay nagtataka pa si Yoon Hee sa sinabi ni Marco, ngunit naalala niya na kasama pala nito ang apo niyang si Nana. Kaya naisip niya, marahil ay sinabi lahat ni Nana kay Marco ang plano na pagbabalak niyang kunin si Tzuyu.
Kaya naman idinako niya ang kanyang tingin sa kanyang apo at sinamaan niya ito ng tingin, samantalang si Nana naman ay labis ang lungkot na kanyang nararamdaman ngayon dahil sa ginagawang pagtitig sa kanya ng masama ng kanyang Lola.
It seems like, I'm no one to you Grandma. Sinasabi ng isipan ni Nana habang nakikipaglaban siya sa titig ng kanyang Lola.
Muling itinuon ni Yoon Hee ang kanyang atensyon kay Marco at nagsalita.
"Can I talk to you? Privately."
_____
6:30 pm at Manoban House...
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...