048 - Hating My Ex Girlfriend

626 35 0
                                    

C H A P T E R  F O R T Y  E I G H T
_______________

-Scandal-

Jisoo's Pov

Habang patuloy na nagkukwentuhan sina Jackson, ay pasimple akong umakyat papunta sa kwarto ni Lisa.

Nang matapat na ako sa harapan ng pinto ay marahan ko itong kinatok.

"Lisa, can I come in? It's me, Jisoo."

"Yes." Narinig kong maikli na pagkakasagot niya.

Pinihit ko ang doorknob at unti unting sumilip sa loob ng kwarto niya.

She's just sitting on the edge of her bed, while staring at the window...

Tuluyan na akong pumasok at naglakad papalapit upang tabihan siya...

I observe her, at napansin kong may iilang bahid ng luha ang gilid ng kanyang mga mata.

"Pwede ko bang malaman ang dahilan?" Mahinahon na pagkatanong ko sa kanya.

Humugot siya ng malalim na paghinga bago siya sumagot ng pabalik.

"I hate her Jisoo. I hate her so much!" May halong inis na pagkakasabi niya hanggang sa muli na naman siyang napaiyak.

Nanatili lang akong tahimik at dahan dahang hinagod ang kanyang likod.

Wala pa akong alam sa nangyare, pero sa nararamdaman ko mukhang may hindi kaaya-ayang ginawa si Jennie, o di kaya baka si Tito Harold na naman ang may pakana ng lahat.

Kailangan ko rin makausap si Jennie upang malaman ko rin ang side niya.

"Ano bang nagawa kong mali? Para iparamdam niya ulit sa akin itong sakit. It's so exhausting, parang gusto ko nalang sumuko Jisoo." Patuloy ng  kanyang pag-iyak kasabay nito ang pagyuko niya at paghilamos ng kanyang mukha.

"Shhh, Kung ano man iyang nasa kalooban mo ngayon ilabas mo lang iyan. I'm listening to you."

"Gusto ko siyang sigawan! at ipadama sa kanya kung gaano ako kagalit ngayon dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin?!"

"Ano bang ginawa ni Jennie?" Tanong ko sa kanya.

"She cheated on me, Jisoo." Direktang sagot niya na ikinabigla ko.

"She cheated on you?" I repeated the words she said.

"Yes, naabutan ko siya sa condo niya na nakikipaghalikan sa babaeng ipinagkasundo sa kanya ni Tito Harold." At kita ko sa mga mata ni Lisa ang sakit at lungkot.

Hindi ako nakasagot kaagad ng pabalik. Sapagkat may isang katanungan ang pumapasok sa isipan ko ngayon....

Ginawa ba talaga iyon ni Jennie?

Para sa akin ay parang hindi kapani-paniwala.

Alam kong malaki ang paghihirap na tinamo niya para lang kay Lisa.....

Kaya malakas ang kutob ko, may mali talaga sa nangyare.

"Sa tingin mo Jisoo, ba't niya nagawa sa akin iyon?" Muling tanong niya sa akin.

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon