049 - Hating My Ex Girlfriend

618 35 7
                                    

C H A P T E R   F O R T Y   N I N E
________________________

-Final Decision-

Lisa's Pov

Pagdating ng Hapon ay syaka lamang umuwi sila Jackson, hindi na nila nagawa pang makapagpaalam sa akin sapagkat nakakulong lang ako sa kwarto. At tanging si Jisoo lang ang nakausap ko.

Pinauna na rin ni Jisoo na pauwiin si Rosé, binabalak kasi namin ngayon na pumunta sa Hotel na tinutuluyan ni Jennie.

Siguro nga tama si Jisoo, hindi dapat ako nagpadala agad sa emosyon.

Kaya ngayon pa lang lakas loob kong haharapin si Jennie, upang malaman ko din ang tunay na dahilan sa natuklasan kong pangyayari noong nakaraang araw.

Hindi pa man kami umaalis, ramdam ko na ang lakas ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

Sana tama talaga ng iniisip si Jisoo...

"Lis, we can go now." Bungad na sabi sa akin ni Jisoo.

Ibinaling ko ang tingin sa kanya, at ngumiti siya sa akin ng malawak...

"Don't be nervous, think positive tayo ngayon." Pagpapalakas niya ng loob sa akin.

I just nodded at her as smile bit.

-

We're in the middle of trip, at sa kinapupuwestuhan namin ngayon ay medyo traffic.

"Hindi ka ba nakakaramdam ng hilo Lis?" Tanong sa akin ni Jisoo.

"Hindi naman." Sagot ko ng pabalik.

"Mukhang aabutin pa tayo ng 30 minutes sa byahe dahil sa traffic."

"It's okay. Sana'y naman na tayo sa ganitong sistema." Sabi ko habang iniiling ko ang aking ulo.

"Hayst, sana talaga may makadiskubre ng kotseng lumilipad sa himpapawid."

Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.

"Haha, seryoso ka talaga sa lagay na iyan Jisoo ah."

Napakunot naman siya ng noo.

"Yah, mukha ba akong nagbibiro Lisayah." Seryosong pagkakasabi niya.

Hindi na ako sumagot pa ng pabalik, at palihim nalang na tumawa...

Hayst, kahit hindi siya nagpapatawa. Sadyang matatawa ka nalang talaga sa mukha niya.

"Paalala ko lang sayo Lis, kahit anong mangyare mag stay ka lang sa tabi ko ah. Huwag mong subukang tumakbo ulit sa kalsada kung ayaw mong pareho tayong dalhin sa Hospital."

Hay, kung alam mo lang Jisoo...

Ayoko nang maulit iyon, nadala na ako sa nangyare...

Halos nasa kalahating oras ang inabot ng byahe namin, kaya pagkarating namin sa Hotel ay pinark na kaagad ni Jisoo ang kotse niya sa Parking lot.

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon