026 - Hating My Ex Girlfriend

1.2K 49 14
                                    

C H A P T E R   T W E N T Y   S I X
_______________

-Fatima-

Lisa's Pov

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Jennie, at naisipan niyang sa kanya ako magtrabaho.

Tinanong ko siya kung ano ang dahilan bakit kaylangan sa kanya ako magtrabaho, pero ang naging sagot lang niya para daw makatulong siya sa amin, tataasan niya daw ang sweldo na ibibigay niya sa akin kung sakaling pumayag ako...

Actually nagdadalawang isip pa ako sa ibibigay niyang trabaho sa akin, kagustuhan niyang ako ang maging Personal Assistant niya, kung saan siya naroroon kaylangan ay nandoon din ako. Tsk, hindi kaya parang gagawin niya akong katulong niyan?

Nakapamili na kami at nakabalik na rin ng Hospital...

Hanggang ngayon ay katext ko pa rin si Nana. Hindi iyong pinsan ni Bobby, kundi yung Nana na katextmate ko simula pa noon.

Nakakapanibago lang kasi parang nag-iba yung way ng pakikitungo niya sa akin.

Ang weird niya ngayon.

📨 I love you Lili!❤ - Nana || 10: 50 am.

Anong nakain nitong babaeng 'to??

📨 Wala ka bang magawa, kaya nagagawa mo akong pagtripan ngayon?? - Lisa || 10: 51 am.

📨 I'm just trying to be sweet here
Ayaw mo ba??🥺 - Nana || 10: 51 am.

"Lasing ba 'to??" Takang tanong ko, habang hindi iniiwas ang tingin sa mensahe na sinend sa akin ni Nana.

Ang lakas naman ng amats nito.

"Masaya ba siya katext??" Bigla namang napabaling ang tingin ko kay Jennie ng tanungin niya sa akin iyon.

Tila ba parang mangangain siya ng tao dahil sa sama ng tingin niya sa akin.

Iniisip niya kasi na ang taong katext ko ay ang pinsan ni Bobby na si Nana. Kahit hindi naman iyon...

"Lisa, umuwi nalang muna kayo at magpahinga. Ako nang magbabantay dito sa kapatid mo." Biglang pasok ni Mama.

Mas maganda nga siguro kung ganoon, nakakaramdam narin kasi ako ng antok...

Kaya tumango naman ako kay Mama.

Pinatay ko na muna ang phone ko, at syaka tumayo upang lapitan si Tzuyu nang makapagpaalam na rin sa kanya.

"Tzuyu, Magpapahinga na muna ako. Kumain ka lang ng kumain dyan ah." Paalala ko sa kanya, at ngiting tumango naman siya sa akin.

Sunod naman akong lumapit kay Mama at hinalikan siya sa noo upang makapagpaalam na rin.

Samantalang si Jennie naman ay lumapit rin kay Tzuyu at kinausap niya ito.

"Mag-ingat sa pagmaneho." Paalala ni Mama at ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon.

Nang matapos ng kausapin ni Jennie si Tzuyu ay lumapit na siya kay Mama at nakipagbesohan siya dito.

"Alis na po kami Tita." Mahinahon na paalam ni Jennie sa kanya.

"Sige, ingat kayo."

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon