029 - Hating My Ex Girlfriend

1.3K 51 13
                                    

C H A P T E R  T W E N T Y  N I N E
_______________________

-Nana's Strategy-

Lisa's Pov

"Hahaha!" Tawang tawa si Jennie sa pinanonood namin ngayong Miracle No. 7.

Sige, tumawa ka lang, Iyak ka later. Nandito lang kami ngayon sa may kwarto niya, sa totoo lang ganito lang kadalasan ang ginagawa namin sa araw araw. Hindi ko nga masabi na nag-apply talaga ako ng trabaho sa kanya, paano ba naman kasi pupunta lang ako para samahan lang siya dito sa bahay nila na walang ginagawa, maliban nalang kapag umaalis kami, ako ang tagabitbit ng mga gamit niya...

Napansin ko namang paubos na yung kinakain naming popcorn, kinuha ko ang bowl at kusang tatayo ng pigilan naman ako ni Jennie.

"Saan ka pupunta??" Tanong niya sa akin.

"Kitchen. Magluluto ako ng popcorn, paubos na kasi."

"No, just stay here. Maids na ang bahalang magluto at magdala sa tin niyan."

"Jennie. Anong silbi ng trabaho ko, kung ayaw mo naman akong pakilusin." Seryosong sabi ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay, at napacrossarm pa.

"Hindi ba dapat magpasalamat ka sa akin?" May halong pagtataray na pagkakatanong niya sa akin.

"You know that I came here for a work, not just for being your visitor or whatever. Responsibilidad ko na pagsilbihan kita, hindi yung tutunganga lang ako dito at makikisabay sa mga gusto mong gawin."

Nawala naman ang awra ng kanyang pagtataray at mapapansin sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pilit na pagngiti.

"So, Am I a boring person?? Boring ba akong kasama?" Diretsahang tanong niya sa akin, at may bahid ng lungkot ang ekspresyon ang kanyang mga mata.

Hindi ako nakasagot ng pabalik at napatikom na lamang ng bibig...

No, never akong naboring habang kasama siya. Hindi ko lang maiwasan ang mailang, lalo na kapag dumadating sa time na nababalutan kami ng katahimikan...

"Okay. Ipagluto mo ako ng popcorn. Just leave me alone here." Malamig na pagkakasabi niya sa akin, hanggang sa muli niyang tinuon ang kanyang tingin sa pinanonood niyang movie.

Napabuntong hininga naman ako, at muli na sanang magsasalita nang marinig kong tumunog ang cellphone niya.

📞 "Hello." Pagsagot niya sa taong tumawag sa kanya.

Hindi ko naririnig ang sinasabi ng taong kausap niya, subalit nakikita ko kay Jennie ang paunti unti niyang pagngiti at nawala ang lungkot na bumabahid sa kanyang mga mata...

📞 "Yes, Babe. I'm just here at my room. Watching a movie." Sagot niya habang hindi nawawala ang ngiti na gumuguhit sa kanyang labi.

Alam ko na kung sino....

It's Mino.

Tsk, makalabas na nga. Bahala siyang mag isa dito.

_

Dumating na ang hapon, at nanatiling nandito pa rin ako sa Mansion nila Jennie na wala manlang ginagawa.

Tungangang nakatingin lang ako sa kanya, habang siya naman ay abala sa pagtatype sa cellphone niya. Siguro, si Mino ang taong katext niya na iyon...

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon