008 - Hating My Ex Girlfriend

1.5K 58 23
                                    

Lisa's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lisa's Pov

"Boyfriend?" Muling paglinaw ko.

"Yeah." Nakangiting sagot naman nito sa akin.

Ibinaling ko naman ang aking tingin kay Jennie. Ngunit napagtanto ko na sa ibang direksyon siya nakatingin, na tila ba iniiwasan niyang magtama ang tingin ng aming mga mata.

"I'm sorry Lisa. I'll explain it to you later." Pagkakabulong sa akin ni Bobby, na hindi naman maririnig ng dalawang taong nasa harapan namin.

Kung kanina ay punong puno ng saya, ngayon naman ay nababalutan ng lungkot, pagkadismasya at inis ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko inexpect na ito ang bubungad sa akin.

Napakuyom ako ng kamao, habang seryosong nakatingin kay Jennie. Pinipilit ko na hindi tumulo ang aking luha na nagbabadya nang bumagsak.

Ngayon alam ko na ang rason......

Why did you do this to me Jennie?

Ano bang naging kasalanan ko?!

Hindi pa ba sapat yung pagmamahal na binigay ko sayo? Kaya mo nagawang ipagpalit ako sa iba?

Ano bang naging pagkukulang ko?

Bakit Jennie?

Why?!

Ilan lang iyan sa mga katanungang pumapasok sa isipan ko ngayon, na halos kagustuhan kong sabihin sa kanya.

Pero hindi ko magawa......

Wala na akong lakas ng loob sabihin sa kanya iyon, dahil sa nakikita ko palang ngayon. Parang isang normal na tao nalang ang turing niya sa akin.....

Isang normal na tao, na animo'y hindi niya ako kilala.

Okay.

Malinaw na sa akin ang lahat.

Tumindig naman ako sa pagkakatayo at lakas loob na tumingin sa sa kanilang dalawa.

"Congrats." At pilit kong pinakita ang pagngiti ko sa kanila kahit na nababalutan ng kalungkutan ang nasa saloobin ko ngayon.

Huwag kang magpapaapekto Lisa.

Kung kaya niyang humarap sayo ngayon ng parang walang namagitan sainyong dalawa.

Kayanin mo rin.

Ipakita mo rin sa kanya na balewala na rin siya sayo.

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon