Lisa's Pov
"Ano??"
Tila ba nawindang ako sa sinabi niyang iyon...
Hindi naman siya sumagot at napayuko na lamang.
Napailing ako at umupo malapit sa tabi niya.
"No, Tzuyu. You are Lying right??" Paglilinaw ko sa kanya. Hanggang sa muli siyang humarap sa akin, at doon ko nakita ang pagluha niya.
Hindi pwede ito....
"I'm sorry, kung sinekreto ko lang ito sa inyo. Alam niyo namang, ayoko sa lahat iyong mag alala kayo sa akin." Malungkot na sabi niya.
Totoo ang lahat ng itong naririnig ko sa kanya ngayon.
Bigla nalang akong nang lambot at kasabay pa dito ang malakas na pagkabog ng puso ko.
Dahil sa pagkabigla ko sa sinabi niya, ay hindi na ako nakasagot pa ng pabalik, at tuluyan akong lumapit at hinagkan siya ng lubusan.
"Huwag kang mag alala, gagawin namin ang lahat nang mapagaling ka. Hindi ka namin hahayaan Tzuyu." Tanging nasabi ko sa kanya, hanggang sa diko na rin nakayanan na may tumulong luha na mula sa mga mata ko.
"I'm sorry Lis. I'm sorry." Patuloy na paghingi niya ng tawad. Samantalang umiling naman ako at humarap sa kanya.
"Hindi mo kaylangan humingi ng tawad, dahil wala ka namang ginawang mali. Alam kong pagsubok lang sa atin ito. Kaylangan mong labanan iyang sakit mo, kaya huwag kang panghinaan ng loob okay? Nandito naman kami nila Mama, Papa At Lia. Hindi ka namin pababayaan."
Tuluyan naman siyang napangiti ng matipid at tumango sa akin bilang sagot.
Nang masilayan ko ang pagngiti niya na iyon, ay napangiti na rin ako.
"Huwag ka nang umiyak, mas lalo kang pumapanget." Pagbibiro ko sa kanya upang mapatawa siya.
"Unnie!!"
Pareho naman kaming napalingon ni Tzuyu sa may pintuan kung saan ay nakatayo si Lia.
Dali dali siyang naglakad papalapit sa amin.
"Nandito ka na pala Unnie." Pagtukoy sa akin ni Lia.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
Hayran KurguSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...