011 - Hating My Ex Girlfriend

1.5K 42 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Author's Pov

8: 30 am....

"Lia, bago ka umalis puntahan mo muna si Lisa sa kwarto niya, gisingin mo na rin dahil siya ang magbabantay ng store ngayon." Paalala ni Tzuyu, habang abala ito sa pag aayos ng pinagkainan nila.

"Okay." Sagot naman ni Lia at dali dali siyang umakyat papunta sa kwarto ni Lisa.

Pagkarating niya ng kwarto ni Lisa ay nakita niyang nakatalukbong ito ng kumot habang mahimbing pa rin na natutulog.

Ang ginawa niya ay kaagad siyang pumunta sa kama at sinimulan ang magtatalon.

"Lalalisaaa!! Gising naaaa!! Ikaw daw ang magbabantay ng store ngayon." Patuloy na paggising ni Lia sa kanya, habang nagtatalon ito sa kama niya.

Mukhang nagising naman niya si Lisa dahil sa gumalaw ito.

"Arghh. Hayst." Sabi ni Lisa at halata sa boses nito ang antok.

Muli namang umalis si Lia sa kama, at hinila niya ang kumot na nakatalukbong sa buong katawan ni Lisa.

"Gumising ka na dyan Unnie! Papasok pa ako!!"

"Tsk!" Oo na lumayas ka na!" Inis na sabi ni Lisa.

"Istorbo sa tulog." Mahinang dagdag na pagkakasabi niya.

"Hmp! Bahala ka dyan!" Sabi ni Lia, at lumabas na rin siya sa kwarto nito.

Dali dali namang bumaba ng hagdan si Lia at dumiretso ng kusina upang makapagpaalam sa Mama niya at kay Tzuyu.

"Unnie! Nasabihan ko na siya. Buhusan mo nalang ng tubig kapag ayaw pa gumising. Aalis na akoo! Byeeee!" At madali namang naglakad si Lia papalabas ng pintuan ng bahay nila.

Tiningnan naman ni Lia ang oras sa relo niya habang naglalakad na siya papalabas ng gate.

"8:40 am?! Ayst! Malabong makapasok na ako sa first sub naminnn." Nakalabing sagot ni Lia.

**********


At Dong - A University.....

Di katagalan nang kanyang naging byahe ay nakarating na din siya sa University na pinapasukan niya.

Pagkapasok niya ng gate, napansin niya di kalayuan sa may Hallway ay may mga nagkukumpulan na mga estudyante.

"So, is it true that she transferred here??"

Hating My Ex-Girlfriend || JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon