Tzuyu's Pov
3 weeks ago.....
Palihim kong kinuha ang mga requirements na nakalagay sa loob ng kabinet ko. At syaka ko ito inilagay sa bag.
Nang matapos ko nang kunin ang mga kinakailangan kong dalhin, ay lumabas na rin ako ng kwarto, at dumiretso sa kwarto ni Lisa.
Napansin ko namang hindi nakalock ang pinto niya, ngunit bago ko ito buksan ay kumatok na muna ako.
Tok! Tok! Tok!
At pagkabukas ko nito, ay napagtanto kong nandito pa rin sila Jackson at abala sila sa pagkukwentuhan...
Napahinto naman si Lisa sa pakikipag usap nang mapansin niyang nakatayo ako sa harapan ng pintuan.
"Ikaw ang magbantay ng Store mamaya, dahil may lalakarin ako ngayon." Seryosong sabi ko sa kanya.
"Bakit saan ka pupunta?" Tanong naman niya sa akin, na may halong pagtataka sa mukha niya.
"You don't need to know. Aalis na ako." Saad ko sa kanya, hanggang sa hindi ko na rin siya pinaghintay na magsalita pa at agad na sinara ang pinto.
Dali dali na akong bumaba ng hagdan at dumiretso ng lumabas ng bahay..
____________
At Kang Dong Hospital....
Nandito ako ngayon sa isang Hermatology Clinic para sa follow check up at nang malaman na rin ang resulta ng Blood test ko...
Ilang minuto lang akong naghintay, at dumating na din ang isang Hermatologist Doctor na humahawak sa akin.
"Goodafternoon Ms. Manoban." Bungad na pagbati sa akin ni Doc. Hyunbin.
"Goodafternoon din po Doc." Mahinhin na pagbati ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanficSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...