C H A P T E R T H I R T Y F I V E
___________________- Visitor -
Author's Pov
Matapos mag ehersisyo ng apat ay dumiretso sila sa isang malapit na Cafe dito sa Yongdusan Park.
Mula sa pinasukan nilang Cafe, ay may iilang mga customer ang napapatingin sa kanila ang iba ay nagbubulong bulungan, samantalang ang iba naman ay pasimpleng kinukunan sila ng litrato. Napansin naman ito ni Lisa kaya naman di na siya nagdalawang isip na kausapin ang ilang crew na nagtatrabaho dito upang utusan niya na paalalahanan ang ilang customer na itigil ang pagkuha sa kanila ng litrato.
"It's really hard to be famous, kahit sa simpleng pagkain mo sa isang cafe hindi mo magawang magkaroon ng privacy." Sagot ni Tzuyu.
Idinako naman ni Lisa ang tingin kay Jennie, at napapansin niyang nakayuko lang ito.
Ayaw kasi ni Jennie na maging laman siya ng balita kung sakali mang may kumuha sa kanya ng litrato at ipagkalat ito sa social media. Sa kadahilanang pang baka malaman ito ng kanyang Ama lalo na't kasama niya si Lisa.
"Better kung bilisan na nalang natin ang pagkain, nang makaalis na rin tayo dito." May halong pag aalala na sabi ni Lisa habang hindi niya iniiwas ang tingin kay Jennie.
_
At Dong A University....
Tahimik na naglalakad si Lia papunta sa Comfort Room, ngunit bigla naman siyang nagambala ng may isang taong humila sa kanya at kinaladkad siya nito sa isang vacant room na medyo may kadiliman.
Labis naman ang pagsalubong ng dalawang kilay ni Lia nang malaman niya kung sino ang taong iyon....
"Aishhh! Ikaw na naman?! Kelan ka ba titigil sa pangungulit sa akin?!"
"Until you like me too." Diretsahang pagsagot sa kanya ni Ryujin.
"I'm straight." Sagot naman ng pabalik ni Lia.
Bigla namang napangisi si Ryujin sa sinabi niya.
"I know pero kaya kitang pabaluktutin." Desididong sagot nito sa kanya.
"Tsk, wow. Pabaluktutin mo in your dreams!" Kusa na dapat lalabas si Lia ng pigilan naman siya ni Ryujin. Hinawakan siya nito sa braso at muling humarap dito.
"San ka pupunta??"
"Malamang sa pupuntahan ko." Pilosopong sagot ni Lia.
"No, you'll come with me. Magdadate tayong dalawa, sa AYAW AT SA GUSTO MO." madiin na pagkakasabi ni Ryujin.
Kokontra pa sana si Lia ng bigla ulit siyang hilahin nito papalabas ng room, at patakbong kinaladkad siya nito.
"YAH!!!! RYUJINNNNNNN!!!!" Nanggagalaiting pagkakasabi ni Lia.
Nakarating na sila mula sa labas ng gate ng school, subalit hindi pa man sila nakakapasok ng kotse ay siyang may biglang humawak sa braso ni Lia, na siyang ikinalingon ng dalawa sa taong yon.
"H...Hyunjin??" Nauutal na pagkakabanggit ni Lia sa pangalan nito.
"Don't drag Lia that way, she might get hurt." May halong pag aalala na sabi ni Hyunjin kay Ryujin habang nakatingin siya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/245499261-288-k819925.jpg)
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...