Lisa's Pov
Monday || 5:30 pm
Beep! Beep! Beep!
"Eto naaa!" Madali kong binitbit ang bag na punong puno ng mga gamit ko. At syaka lumabas ng gate.
"Mag ingat kayo ah." Paalala sa amin ni Mama, habang nakadungaw siya sa may pintuan ng gate.
"Yes po Tita." Nakangiting sagot naman sa kanya ni Jinny.
Samantalang si Jackson naman ay bumaba ng Van upang tulungan akong mailagay sa loob ang bag ko.
Pagkakuha niya nito, ay agad na rin akong pumasok sa loob at tumabi kay Jinny.
Tiningnan ko naman ang dalawa sa likod....
At palihim na naglalambingan ang mga ito. Ang tinutukoy ko ay sina Jisoo at Rosé. Kahapon bago kami umalis nang mall ay muling nag-usap ng masinsinan ang dalawa hanggang sa nagkaayos na rin sila.
Ang totoong dahilan, ay natimingan lang na doon rin kumain ang Ex ni Rosé sa Restaurant na pinagkainan niya. Actually, kasama niya pala si Tita Roselle, ang mama nina Rosé at Jinny. Napagkataon lang na nagcr nun si Tita. Kaya hindi naman ito napansin ni Jisoo....
Kwinento pa sa amin ni Rosé na magpapaliwanag sana siya kay Jisoo, kaso nga lang bigla na lang siyang nilayasan nito. Kaya ayun, dumating ang isang araw na hindi na sila nagpansinan hanggang sa nagkaroon na nang tampuhan.-_-
"Let's go!" Masiglang sabi ni Jackson.
Didiretso na kami ngayon papuntang Seoul, medyo matagal ang magiging byahe namin. Aabutin ito ng 3 tatlong oras. Samantalang si Bobby naman ay may sariling sasakyan na gagamitin at panigurado si Jennie naman ay kasama niya ang nobyo niyang si Mino.
Hayst, Naalala ko na naman siya. Simula talaga kagabi ay patuloy pa ring pumapasok sa isipan ko si Jennie, lalo na hindi ko malimutan yung nangyaring nasa mall kami.
[Flashback....]
Nang marinig ko ang sinabi niya. Ay napasisip ako bigla....
Anong ibig niyang sabihin? Bakit ganito siya makitungo sa akin?
Nakaupo lang si Jennie sa unang baitang ng hagdan at nasa bandang gilid siya.
Samantalang ako naman ay nanatiling nakatayo habang hinihintay ang reply ni Jinny.
Makailang minuto ang lumipas, ay may iilan na ring mga tao ang pumapasok dito sa loob. At pasalamat dahil hindi nila masyadong namumukhaan si Jennie. Ngunit may isang lalaki ang nakaagaw atensyon sa'kin ng magawa niyang lapitan si Jennie.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
Fiksi PenggemarSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...